Hay...KAMPISE Fever at ang Nakakapagtaka... / Tuesday, August 22, 2006
Hay...Tapos na ang KAMPISE pero hindi ko parin makalimutan ang saya ng itiniuturing kong huling KAMPISE. In fairness, kinareer ko ang costume ko ngayon, parang hahabol ako sa kasal sa sobrang bongga ng suot ko! Naging finalist pa ako ng Best Costume sa 4th Year pero sayang, di nanalo. Pero ok lang yun, kasi naramdaman ko ang saya na hindi ko pa naramdaman mula nang ginawa yang KAMPISE sa school. Grade Four pa ako nun. Sayang kasi hindi ko man lang nakunan ang sarili ko na suot ang costume na yun. Hay. Yung iba kasi, todo-papicture na parang matatanggal na ang mukha kinabukasan. Hahaha.
...
Minsan, kapag matagal na kayong magkaibigan ng isang tao, lalo na kapag "opposite sex," may posibilidad na madevelop sila sa isa't isa. Oo. Marami akong kilalang ganyan ang naging istorya. Pero ito ang nagiging problema. Kadalasan ay naguguluhan ang taong nasabihan ng pag-ibig. Mas talamak ito sa kaso ng mga babae at ito ang kadalasang nagiging sanhi ng sawing pag-ibig. Hay. Pero marami paring umaasa. Marami pa ring naghihintay sa wala.
...
Nakakahinayang ang isang pagkakaibigang nasira. May posibilidad kasing hindi na ito mabalik. Pero ano nga ba ang kadalasang dahilan? Oo, alam nating may mga bagay na hindi nating gusto sa isang tao na nais na nating mabago sa kanila. Oo, pagod na nga ang magkabilang panig. Pero hanggang kailan?
...
Iiwanan ko kayo ng isang kanta mula sa APO na nirevive ng Spongecola. Nakakapagtaka.
Nakapagtataka
by Apo Hiking Society
Revived by: Spongecola
Walang tigil ang gulo sa aking
pag-iisip
Mula nang tayo'y nagpasyang
maghiwalay
Nagpaalam pagkat hindi tayo bagay
Nakapagtataka, oh.
Kung bakit ganito ang a-king
kapalaran
Di ba't ilang ulit ka nang
nagpaalam
At bawat paalam ay puno ng iyakan
Nakapagtataka, nakapagtataka
Chorus:
Hindi ka ba napapagod,
o di kaya'y nagsasawa
Sa ating mga tampuhang
walang hanggang katapusan
Napahid na ang mga luha,
damdamin at puso'y tigang
Wala nang maibubuga,
wala na 'kong maramdaman.
Bridge:
Kung tunay tayong
nagmamahalan
Ba't di tayo magkasunduan
Oh, oh.
Walang tigil ang ulan
at nasaan ka, araw
Napano na'ng pag-ibig sa isa't
isa
Wala na bang nananatiling pag-asa
Nakapagtataka, saan ka napunta?
Hindi ka ba napapagod,
o di kaya'y nagsasawa
Sa ating mga tampuhang
walang hanggang katapusan
Napahid na ang mga luha,
damdamin at puso'y tigang
Wala nang maibubuga,
wala na 'kong maramdaman.oohh
Napahid na ang mga luha,
damdamin at puso'y tigang
Wala nang maibubuga,
wala na 'kong maramdaman.
Kung tunay tayong
nagmamahalan
Ba't di tayo magkasunduan
Oh, oh.
Hanggang dito nalang.
Labels: Rages of the Heart, School blues
/sluggish Marjoured blogged at:
8/22/2006 05:06:00 PM
|
>>>