Hmmm...Ganyan Talaga... / Friday, August 18, 2006
So ganun talaga ang buhay.
Hmmm.
Medyo ok naman ang takbo ng araw ngayon. Hindi naman kagandahan, hindi rin kapangitan. Basta, ok ang araw ko ngayon at yun na yun.
Gumawa kami ng mga banderitas sa school. Parte kasi yun ng celebration ng Linggo ng Wika. In fairness, ang bilis namin gumawa. Saka pulido pa ang paggawa. Medyo hindi ko makakaila na medyo may mali rin pero ok lng. Saka, binigay yung quiz sa Physics kanina. Kamote talaga ako dun. Biro nyo, 0 o itlog ang nakuha ko. Pero nagulat ako kasi hindi man lang ako nag-react ng violent sa score ko. Baka kasi sanay na ako na makakita ng mababang grade lalo na sa Physics.
Hay.
Elimination kanina ng mga kasali sa Maluwag na Talumpati. lahat, kanya-kanyang opinyon at saloobin. Pero may speech ako na natuwa ako kasi kahit nakakatawa sya, may 'sense' pa rin ang mga sinasabi nya. Si Kimchi yun.
Nanood din kami ng High School Musical kanina. In fairness, yun ang first time ko. Ang gwapo talaga ni Troy Bolton! Ang galing din ni Gabriella! Sana mapanood ko na ng buo kasi puro Fast Forward. Palibhasa, napanood na nila. Figures.
Nung club, naglaro lang kami ng Mafia. Grabe, ang saya namin eh...Saka nakakatawa kasi yung mafia namin, gustong patayin sarili nya. Kaya hindi agad natapos yung laro.
Hey, may TRO pala ako sa pag-iinternet. So, byebye na!
Labels: Rages of the Heart, School blues
/sluggish Marjoured blogged at:
8/18/2006 08:27:00 PM
|
>>>