OK Lang Naman / Thursday, August 24, 2006
At natapos ang isang araw.
Napagod ako ng husto ngayong araw na ito. Nagalakad ako ng naglakad papunta sa mga museo na ginawa ng mga estudyante sa Mataas na Paaralan. Tumulong pa ako sa pagsasaayos ng aming sariling museo. Hay... Kakapagod talaga. T_T
Sa paglalakad ko, marami akong mga bagay na naalala. Una kasi, huling AP Day na namin kaya talagang sineryoso namin yung pagdisenyo ng aming museo. Nagkaroon pa nga kami ng minus points dahil sinet-up na namin agad yung mga mesa. Sabi nga ni Drex eh, "Kaya tayo naminusan para hindi magkaroon ng Landslide Victory." Ang optimistic talaga niya.
Nung nagbukas ang lahat ng mga museo sa publiko, naglibot kami kasama si Ms. Jham, ang class adviser namin. Talagang desidido ang lahat na manalo. Patalbugan talaga ng mga exhibit at palamuti sa museo. Grabe, talagang nag-enjoy ako sa paglilibot. Sayang nga lang, konti lang ang nakuha kong souvenirs pero ok lang yun. At least nag-enjoy ako.
Tuloy ulit sa alaala. Huli naming pinuntahan yung museo namin. Biro mo, kailangan pa namin ng ticket sa pagpasok. Eh, marami na palang may ticket na pero di pa ring makapasok kaya sila muna yung pinapasok namin. Huli na kami pumasok sa loob at sa wakas, nakita na namin kung paano nila pinresent yung museo namin sa mga tao. Pagkatapos, pinanood na namin sa huling pagkakataon yung video. Puro kaming papicture dun sa loob na parang hindi na kami magkikita-kita ulit. Tapos, paglabas namin, nagulat bigla si Ms. Jham nang may Grade Five palang pumasok kasama namin. Nasabi nga nya eh, "Eh sino ka naman???" Nakakahiya tuloy, kasi nagpapicture kami dun, nandun pala sila, nanonood. Hehe. Nagpapicture din kami sa labas ng klasrum namin. Tapos, biglang sumigaw si Aimee, "Huling AP Day na natin!" Sigawan naman kami, tapos biglang bumwelta si Drex, "Eh, gagraduate naman ba tayo???" Natawa talaga kami dun sa sinabi nya. Ayan, picture-picture. Matatanggal na ata mukha ko bukas. Haha.
Mawawala nga pala ako ng mga ilang araw...YFC Mega Camp na kasi. Kailangan ko na kasing bumawi, hindi na ako nakaka-attend ng mga gatherings eh...Saka hindi pa ako nagpapa-covenant. Kahit hindi sila sumama, buo na ang pasya ko dahil alam ko sa sarili ko, na nandun ako para pagsilbihan ang Panginoong Diyos.
Toodles nalang sa inyo! Kita-kits nalang!
Labels: School blues
/sluggish Marjoured blogged at:
8/24/2006 07:31:00 PM
|
>>>