Masakit. / Friday, September 08, 2006
Masakit.
Yun ang pamagat ng post kong ito.
Oo. May major hangover parin ako sa Field Trip namin. Hindi ako masyadong nakapagpahinga kahapon. Kaya paggising ko, masakit na masakit ang mga hita ko.
Namasahe lang ako papuntang school dahil kailangan kong makahabol sa worship. Yun palang kasi yung first time kong pupunta ng maaga para dun. Gusto ko na talagang makabawi sa mga namiss kong worship services. Pero, dahil nga masakit ang mga hita ko, ang lakad ko, parang lakad ng may rayuma. Pag-akyat ko sa overpass, nararamdaman ko talaga yung sakit at mas lalo na nung pagbaba ko. Parang pinipindot ng isanglibong karayom ang mga muscles ko sa hita.
Nung pagdating ko sa Kostal, talagang di ko na kakayaning maglakad pa. Patawid na dapat ako nang biglang nakita ko si...Sir Ecko. Talagang hinabol ko sya habang patawid na sya pero mabagal ang kilos ko dahil nga sa sakit. Buti nalang, hinintay nya ako. Tapos, sumabay kami sa kotse nina Jove papuntang school. Pagdating ko, dumiretso ako papuntang klasrum. Doon ako nagdusa sa akyat-baba sa stairs. Grabe talaga ang sakit. Nung nagworship ako kanina, masaya talaga ako kasi sa wakas, nakarating na ako doon. Pero, talagang hindi ako tinigilan ng sakit.
Sa pagdaan ng oras sa paaralan, lalong sumakit ang mga hita ko. Parang di ko na talaga kakyanin ang sakit. Buti nalang, sobrang ok ang araw na ito.
Ayan, lagi ko nalang binabanggit ang salitang sakit...Kaya nga yun ang title eh!
Labels: Rages of the Heart
/sluggish Marjoured blogged at:
9/08/2006 08:03:00 PM
|
>>>