Sa Wakas!! Yahoo... / Saturday, September 02, 2006
After ten years, Wi-fi nako! Matagal ko na kasing kinukulit yung tatay ko na mag-Wi-fi na kami kasi sobrang mahal na talaga ng bill namin sa telepono. Grabe, after 3 months, nakuha ko na gusto ko...Kaya makakapag-update nako palagi. Kwento nalang kaya ako ng mga happenings ngayon...
Thursday-Bigayan na ng card. Grabe, pagkakita ko sa grades ko, ang sarap itanong sa sarili ko, "Saang lupalop kaya ako galing at parang nagtaka pa ako sa kinalabasan ng grades ko???" Parang umaasa naman ako na matataas yung mga yun no? Well, ok naman, wala paring line of 7 at wala paring PTC (although alam ko next quarter meron na, sa Physics.) pero sa tingin ko, parang sinaniban ako ng ispirito ng katamaran kaya nagkaganon grades ko. Well, marami pa namang factors, isa na dun ang...*SECRET!* Well, naiinis ako kasi mas mataas ang Physics ko kaysa sa math. Hay.
Friday-Ok naman. Nung homeroom, naglaro kami ng isang laro na kailangan talaga ng teamwork at strategy para manalo. Ano nga pala tawag dun? Ah, Rapids pala. Sa isang group na may 10 members, magkakapit-kapit kayo at bubuo ng wave para patawirin ang mga sapatos namin sa kabilang side. Nung first trial, nanalo kami (iniitsa nga namin yung mga sapatos eh!) pero nung seryoso na ang game, 3rd nalang kami. Ok lang, kasi malinis na yung laro namin sa pangalawa. Well, nakuha ko na ang mga resulta ng aking Mock Interview. Pang #25 ako out of 86. Hindi talaga ako makapaniwala, parang isang himala ang nangyaring yun. Siguro nga, mabait talaga sakin yung nag-interview kaya pinasa ako. Hmmm. Nakuha ko na rin test permit ko sa Ateneo. Well, wala akong makakasama kasi magkakaiba talaga kami ng test venues. Mabuti yan para walang cheating. Hehe.
Hindi ata ako makakasama sa YFC Sports Fest sa Tagaytay...Marami kasi akong kailangang tapusin at poproblemahin..Baka naman kasi pag pumunta ako dun, parang wala rin ako dun kakaisip sa mga yun. Sorry talaga LORD GOD... T_T Babawi po ako! Hindi po kasi ako makakapagserve nang maayos kung problemado ako..Sa tulong nyo, maayos ko rin ito..Salamat!
Labels: Rages of the Heart, School blues
/sluggish Marjoured blogged at:
9/02/2006 05:41:00 PM
|
>>>