Mafhemafhics and Fhisics / Monday, October 16, 2006
Hay. Isang nakakadismayang araw...
Kakakuha ko lang ng resulta ng Physics exam ko. Hmm, 'wag na kayong umasa. Bagsak kasi ako. Kainis, akala ko talaga, 41 ang score ko pero, anak ng tokwa! Nabawasan pa ang score ko! Kaasar talaga! Pero, ganun talaga, minsan talaga, babagsak tayo. Pero umaasa naman ako na papasa ako muli. Haha. Parang masaya pa ako sa lagay na yun.
Punta naman tayo sa Math. Muntik na talaga akong malugmok sa kahihiyan. Biro mo, 42/80 yung score ko! Hmmm... Parang 'di nalayo sa score ko nung First Quarter. 44/80. Hell. Cool. Mula ngayon, pormal kong isinusumpa ang sakit sa puso na kung tawagin ay Mafhemafhics.
^_^
Speaking of Fhisics, trip ko lang ikwento kung paano naging hulog ng langit (at todong sakit sa utak!) ang Physics. Sisimulan ko na.
Syempre, simula muna sa unang meeting. Pagpasok ni Sir sa klasrum, tayuan agad! Takot kasi kami sa kanya (mukha ba??). Pag-upo namin, talagang ipaglandakan samin na 'I mean business' . Hmmm...Napangiwi nga ako nung narinig ko yun eh. Pagkatapos nun, nagsimula na ang kabanata ko ng kalbaryo at pasakit. At malayo pa ang Mahal na Araw. T_T
At ngayon nga, bagsak nanaman ako. Flunker nanaman. Slacker ulit. Balik ulit sa dating gawi.
Labels: School blues
/sluggish Marjoured blogged at:
10/16/2006 09:30:00 PM
|
>>>