Misery. / Wednesday, October 18, 2006
Hindi ko alam kung bakit kakatapos ko lang mag-celebrate ng birthday ko ay bigla nalang dumami ang masakit sakin. Una sa listahan ang aking ulo. Kapag nag-iisip kasi ako nang sobra na sa kaya ng maliit kong utak, sumasakit talaga nang husto! Lalo na kapag Fhisics at Mafthemafhics. Nararamdaman ko ang pagpintig nito sa tuwing sinusubukan kong magsolve ng mga equations sa Math. Kanina lang kamo yun.
Sinubukan kong uminom ng pain relievers para mawala yung sakit. Nawala nga nang konti pero, likod ko naman ang sumakit. Hay naku. Iinom pa sana ako ulit pero baka ma-overdose nako nyan. Misery.
Ewan ko ba. Habang tinatype ko itong entry na ito, nakasandal ako sa isang unan sa may computer chair ko para maibsan kahit papaano ang sakit sa likod ko. May baso ng tubig at limang tableta ng iba't ibang pain relievers sa harapan ko. Iinumin ko daw ito 'pag hindi ko na talaga matagalan ang sakit. Ok pa naman ako so far. Misery.
Hindi pa dun nagtatapos ang aking 'sakit'. Sakit naman sa puso ang pinoproblema ko. Hindi yung literal na sakit sa puso. Hay... oo na, suko nako. Lovelife yun.
Inaamin ko, ni minsan ay hindi pa ako nakaranas ng matinong lovelife. Puro mga crushes lang. Minsan, nakaranas na rin ako ng nagmahal ako pero hindi bumalik sakin ang pagmamahal. Itinigil ko na ang aking kahibangan at gumising nako sa katotohanan. Pero, sa isang bawal na pag-ibig kong maranasan na kung papaano magmahal nang totoo at walang pag-aalinglangan. At yun ang nagbibigay ng kakaibang kirot sa puso ko.
"Misery loves company."
Labels: Rages of the Heart
/sluggish Marjoured blogged at:
10/18/2006 08:02:00 PM
|
>>>