Senti-sentihan. / Monday, October 23, 2006
Kakauwi ko lang galing school. Medyo may hangover parin ako dun sa mga pangyayari kanina. Ewan ko, parang ang sarap-sarap balikan ng mga pangyayari. Hay buhay.
Pagpasok ko ng kwarto, tinawag ako ng tito ko. "May sulat ka," sabi nya. Inabot nya sakin ang tatlong sobre. Yung unang dalawang sobre, credit card bill at insurance bills pala. Pero, nang makita ko yung huling sobre, parang napatalon ako sa gulat...
...
Sulat mula sa isang taong matagal ko nang di nasilayan. Si Debu.
Pinagmasdan ko nang maigi ang sulat. Dali-dali ko binuksan ang sobre at card pala ang laman nun. Binasa ko ang laman ng card. Happy Birthday and take care ang nakalagay dun. Napangiti ako. Wala pa rin siyang pinagbago. Pati handwriting nya, ganun pa rin.
...

Naalala ko bigla ang araw na nagkakilala kami. Ipinakilala kasi sya sakin ni Juan. Nung una ko siyang nakita, mukha naman siyang mabait, sabi ko. Nalalaman ko kasi mula sa mga tao na madalas siyang asarin dahil sa *malalaking butas nya sa ilong*. Pero kahit ganun, ok parin sya sakin. Hindi naman kasi ako tumitingin sa panlabas na anyo ng isang tao...Sa kalooban ako tumitingin. ^_^
Ayun, medyo naging close kami kahit magkaiba kami ng section (sa star section kasi siya). Masarap siyang kasama at makwento pa. Hindi ko na nga mabilang ang mga beses na halos matumba nako sa sahig sa kakatawa *LOL*. Pero, di ko maiwasan na maawa sa kanya kasi lagi nalang sya inaapi ng mga kaklase nya.
Naging magkaklase kami nung second year. Dito ko siya mas nakilala nang mabuti. Tama nga ako sa pagkakakilala ko sa kanya. Magkasama kami palagi sa pang-aasar kay Denise "200" Salazar. Sila talagang dalawa ni Denise ang mortal na magkaaway. Wala silang pinalampas na mga sandali na di nag-aaway. Medyo hirap sya sa academics nya, kaya tinutulungan ko sya kahit sa maliit na paraan lang.

Makalipas ng ilang buwan, nagpasya siyang gumawa ng isang bagong tropa...Isang tropa na namumukod-tangi sa aming section. Ang mga miyembro: Siya, ako, Betz, Ayumi, Michi at Jak. Naging isang masayang tropa, nagsasama-sama sa hirap(?) at ginhawa. Naging simbolo namin ang isang singsing. Tinawag namin ang tropa bilang CIRCLE OF FRIENDS...
Nagsimula kaming magkaroon ng mga "Bonding sessions." Una ay nung birthday nya pagkatapos ng Christmas Party sa glorietta. Siya lahat ang taya. Naalala ko nga eh nung naubos ko agad yung credits sa Timezone card ko kakalaro ng Time Crisis. Hindi ko alam na yun pala ang parang pagpahayag nya na aalis na sya.
Nalaman nalang namin isang araw na aalis na siya patungong Amerika. Nalungkot talaga kami pero ganun talaga ang buhay. May aalis, may babalik. Nung huling araw ng pasukan, talagang nagkaiyakan kaming lahat. Hindi talaga namin gusto siyang umalis.
Nagdaos siya ng isang despedida sa Island Cove. Bukod sa buong tropa, kasam rin namin si Jara, isa naming kaklase. Nagsaya kami doon kakakanta ng kung ano-ano. Naalala ko pa nga nang kinanta ni Debu ang "The Prayer"....
...
"Let us be our pray'r..."
Yun ang kantang nagpabalik sakin sa realidad. Umihip nang malakas ang hangin. Napangiti ako. Wala parin siyang pinagbago.