r radioblogclub / quicktime player here. =)
introduction
Welcome to My Turf. This site is owned by someone hiding in the persona of Glenda. Please take into consideration that all the ramblings posted here are all what the owner feels and no one can make fuss of it. This is my blog and you must abide by my two rules. One, don't spam the tagboard and two, comment on my posts and tag before you go. Enjoy your stay!

For more information regarding my rules, here is a detailed .




A Pinoy Blogger


Pinoy Bloggers[dot]Org



the drugged
Joy! I'm a Creature Banana

Surrounded by inner demons, that's how a blogger lives.
Marj/Marjoured/ Glenda. Born on October 11, 1990. Certified Libra. A Fourth year student. Wannabe Atenean, Thomasian, Fighting Maroon, Lasallian. Loner. Misunderstood. Certified Bookworm. Likes all subjects except PHYSICS. Has a distant past. Frequents all the so-called "MASA" places. Has a short temper and one-track mind that goes well together. Word lover, number hater.The so-called "shock absorber" of the class. More?




Want this badge?

currently ingesting
Mood: The current mood of constantly4 at www.imood.com
Status:
Sorted in: So basically, you're cunning, ambitous, and willing to use any means to meet your ends. Lots of people think Slytherins are cold, evil, heartless people.. and although some are, some are not. Slytherins are the most misunderstood people.. You're not all evil! We're misconceived and misunderstood, and have been given a bad rep.. The movie makes us look terrible. People just have this thing about people about ambition.. Hmm.. Well, you know you're the best, so I guess it doesn't matter. Gryffindor may beat you at everything.. but you still keep trying! COME ON, SHOW SOME SLYTHERIN PRIDE!
Achieved: 3rd place as Filipino Blog of the week!
Medal ko sa Talahasaan..Medyo light yellow nga lang nang konti yung ribbon...Thanks Kaye!




overdoses on
food anything edible
drink Dutch Mill Strawberry drink
musicOPM
book Robinson Crusoe
wears orange shirt and pants
time to study for physics
surfs on utakGAGO's blog
watches the stars fall down *huh?*

looking for the lost soul



This site is certified 39% EVIL by the Gematriculator

my daily dosage
Lucille|Betina| Xtian|Jemima| Timi| Christine|Mara1|Karmi|Alexine| Jonnazel| Nagi|Celena|Rowjie|
Alyanna|Jigs|Lilprincess|Vanny|
Jessa|Mark|Komski|Janpol|ralphT|
Laura|Mara2|Fiel|Justine|Ayra|Jellie|
Donya Quixote|Rizza|Neil|Moshi|
Tifoso|Talksmart|Fave|Lark|Icarus05|
Vinkz|Xienah|Tin|Faye|RC|Chino|
Kneeko|Tricia|Luki|Mikmik|Avy|Dotep|
Lexine|Pot|Rina|Mr. Tuesday|Via|
Kevin|Seji|Ikay|Kaye|Mai|Charmaine|
Chester|Shawboy|Jo|Jebski|Aya|Yen|
Yaoi|Marj|Plue|Lea|Ciel|Avery|Jedd|
Mara3|Vince|Katia|Memesh|Memesh2|
Miara|Mumay|Arianne|Thian|Carcar|
Pam|Jhayronel|Deng|Glam|Hershey|
Aaron|Eedom|Marchie|Deejay|Nika|
Angel|Alyssa|Garytarugo

nurse's station
the healing process
February 2006
March 2006
April 2006
May 2006
June 2006
July 2006
August 2006
September 2006
October 2006
November 2006
June 2007

generic names
Archives of my Life|School Blues|Rages of the Heart |Out of the Blue |Tripping |Tags |Works

drug counters
GameCounter friends.

Locations of visitors to this page

credits


Tagged. Again. / Tuesday, August 29, 2006
Tagged nanaman ako! Eto yung mechanics:

Once tagged by this entry, write a blog entry of some kind with six random facts about yourself. In the end of it, pick six of your friends and tag them! (No tag backs). This explanation must be included, of course.

1. Nung bata pa ako, hindi ako naniwala sa power of friendship. Isang tao pa lang ang nagpakita sakin nun. Pero patay na sya eh. T_T

2. Loner ako. Lagi ko gustong mapag-isa.

3. Mahilig akong magbasa. Walang araw na wala akong binabasang libro.

4. Hindi nyo alam, makwento talaga ako at sobrang daldal ko pa.

5. Mahilig ako sa Game of the Generals. Nakaka dalawang Gold Medals nako dahil dun.

6. Lagi akong nagmamadali sa pag-ibig. Kaya nagdusa ako nang husto. T_T

I'll tag:

Rizza Lulu Celena Yanna Mara Betina

Labels:


/sluggish Marjoured blogged at:
8/29/2006 07:00:00 PM
|

>>>

Napagod at Nasiyahan / Sunday, August 27, 2006
WHAT: YFC Mega Camp
WHERE:BPS-Silang, Cavite
WHEN: Aug. 25-27, 2006

Hay...Sa wakas at nakauwi nako sa bahay! Galing kasi ako sa YFC Mega Camp sa BPS Silang. Sobrang saya talaga ng pakiramdam lalo na pag natupad mo na ang pinakamimithi mo sa pagiging YFC-ang maging parte ng YOUTH Camp Service team. Kwento ko lang yung mga pangyayari before and after mag-camp.

Friday-Pagkagaling ko sa school, nag-online muna ako. Tapos, umalis nako sa bahay ng mga 3:30 ng hapon. Sumakay ako ng dyip, kaya lang...ang nasakyan ko pala, hindi dadaan sa Walter Mart Dasma. Kaya sumakay ako ulit ng dyip pero hindi pala dadaan sa tapat ng Walter Mart. Naglakad pa tuloy ako hanggang sa entrance at buti nalang, nandoon pa sila. Sumakay kami sa mga dyip na dinala kami sa BPS. Nakapunta nako dun kaya ayos lang.

Pagkalagay namin ng gamit, nagpunta kami sa isang bakanteng lote para mag-worship. Pagkatapos nun, pumunta kami ng session hall para makinig ng Talk 1 pero bago nun, naglaro kami ng bahay, baboy, bagyo. Pero eto ang masaklap. Kumain na kami ng dinner ng mga 10 na ng gabi. Biro mo, gutom na gutom ka na talaga tapos, malilipasan ka rin. Pero since service team ako, hindi ako nakakain agad. Pagkatapos kumain, binigay na ang mga room assignments. Hindi ko nga expected na may kwarto pa ako eh. Kasama ko sa kwarto sina Jannylin, Eds na taga Dasmarinas National High School, si Kat mula sa Tagaytay Science National High School, at si Anna, na ka-schoolmate ko, at kapatid ng bestfriend ko.

Tapos, meeting na ng service team. Nasita kami kasi hindi pa ganap yung nagawa naming serbisyo sa camp. Sinabi sa amin na kailangang magpursigi pa kami sa pagseserve sa camp kasi sabi nga nila, "Dati, nung kayo ang participants, kayo ang pinagsisilbihan, ngayon, kayo naman ang magsisilbi sa mga participants."

Tapos, hindi pa ako agad natulog. Nag-usap pa kami ni Kat hanggang ala-una ng madaling araw. Tapos, natulog na ako.

Saturday-Nagising ako ng sobrang aga. 3:00 AM. Grabe, nalaman ko lang na wala pang gising nung mga oras na yun kaya natulog ako ulit ng saglit. Nagising ako ng mga 3:45 ng umaga. Dahil nga sa ingay na nagawa ko, nagising na rin si Kat saka si Anna. Naligo na ako saka nagbihis. Mga 6:00 ng umaga, nagpunta kaming Service Team sa session hall para mag-morning worship. Marami na samin ang nakaligo na pero marami ring di pa nakaligo lalo na sa mga lalake. Tapos, sinabi na kung sino ang mga facilitators. Kasama ako ni Kat sa pagiging faci. Grabe ang saya na naramdaman ko nun. Sa wakas, natupad ko na yung pangarap ko. Pinangako ko sa sarili ko na tutuparin ko ang tungkulin ko ng mabuti. Tapos, pumunta na kami sa dining room para tumulong sa paghahanda ng pagkain.

Nagsimula na yung Talk Two. Wala nanaman ako ulit dun kasi nag-prayer warrior ako kasama ni Jove at ni Neil V. Pagkatapos, nagmeeting ang lahat ng facilitators para sa group discussion at one-to-one sessions. Tapos, bumalik ako sa session hall. Tapos na yung Talk Two. Tapos, nagsimula yung group discussions. Marami kaming na-share na experiences sa discussion namin. Tapos, nagsimula yung Talk Three. Habang nangyayari yung talk, parang nakaramdam ako ng kakaibang lungkot. Ewan, parang nalungkot ako na parang may namatay samin. Tapos, nung tinugtog yung I Give My All na kanta, naiyak nalang ako sa isang sulok. Biglang tinanong ako ni Dyanne kung ok lang ako. Tapos, biglang umiyak nalang ako ng malakas. Nagulat nga sila na nangyari eh. Akala ni Kimchi na kasalanan nya yung nangyari. May bigla akong naalala dun sa kanta na hindi ko maintindihan. Kung tutuusin, lagi ko namang kinakanta yun pero, wala namang nangyaring ganun sakin. Ngayon lang talaga yun nangyari. Tapos, unting-unti ako kumalma. Nagpunta ako sa dining room na namumugto ang mga mata. Pagkatapos kumain ng mga participants, kumain na rin ako mag-isa. Pagkatapo kumain, pumunta ako sa kwarto para makipag-uasp kay Kat tungkol sa plano sa one-to-one sessions. Tapos, nung nagawa na namin yung plano, pinababa namin yung mga "alaga" namin sa lobby para maghintay ng turn nila.

Nung natapos yung session, pumunta kami ulit sa session hall para magmiryenda ng mais. Tapos, nagpractice kami para sa E-Nyt. Band workshop ang sinalihan ko. Yung mga kagrupo ko, taga Dasmarinas National High School lahat. Ako lang ang taga-Seton kaya na-OP ako dun pero ayos lang, kasi mabait silang lahat. Nakasundo ko sila agad. Pagkatapos ng practice, tinawag kami para mag-worship ulit habang nagaganap yung talk four. Nung nagworship kami nun, nakaramdam ako ng pagsisisi kasi sa mga bagay na pinabayaan ko para lang gawin ang gusto ko, at yung YFC ay kasama sa mga pinabayaan ko.

Pagkatapos ng worship, nagprepare kami para sa prayover session. Kinabahan talaga ako nun pero ok naman ang naging takbo ng session dahil kay GOD. Pagkatapos, nakaramdam ako ng kakaibang feeling ng contentment. Na parang wala na akong mahihiling pa. Pagkatapos nun, kumain na kami ng hapunan at pagkatapos ay dumiretso kami sa session hall para sa artificial bonfire namin.

Pagkatapos ay E-Nyt na. Grabe, nakakatuwa yung mga performances naming lahat..Lalo na yung Gag workshop. Yung tungkol sa sabon.

Tapos nun, nagmeeting uli ang service team at napuri kami sa mga nagawa namin...Hay salamat!

Tapos, natulog na ako ulit. Pero medyo maaga. Mga 12:05 AM.

Sunday-Tinanghali ako ng gising. Mas maaga ang call time ng mga Service Team pag umaga. Nagisiing ako ng 5:55 AM. Nagulat ako nung nalaman ko yung oras. Eh, gusto ko na sanang maligo kaya lang, marami nang tao sa banyo kaya pumunta ako sa session hall na naka pantulog lang. First time yun nangyari sakin sa camp pero ok lang pala yun. Pagkatapos ng morning worship, nagpunta ako sa banyo para maligo agad kasi nakatoka akong tagahugas ng pinggan. Pagkapaligo ko, binaba ko yung mga gamit ko tapos pumunta nako sa dining room para tumulong sa service team doon. Kumain na ako agad ng agahan para makahugas na ako agad. Pagkakain, hugas na ng mga pinggan. Ang sarap palang maghugas.

Bumalik ako ng session hall para sa talk 5. Pero hidi ko narinig lahat kasi may ginagawa akong importante nun. Nagtatraffic aide kami ni Benedict nun. Grabe, ang hirap ng trabaho namin. Nagkwentuhan kami at nabanggit nya na natutukso syang bumili ng sigarilyo pero nalabanan nya ang tukso. hanga talaga ako sa kanya.

...SECRET!...

Bumalik ako sa BPS para sa closing worship. Pagkatapos, kumain ako ng Goto at pagkakain, umuwi na ako.

...

Marami akong natutunan sa tatlong araw na pamamalagi ko sa BPS. Pero ito ang tumatak sa isip ko, "Sa paglilingkod natin, isipin natin na hindi yun para sa ating sarili, para yun sa DIYOS."

Labels: , ,


/sluggish Marjoured blogged at:
8/27/2006 01:46:00 PM
|

>>>

OK Lang Naman / Thursday, August 24, 2006
At natapos ang isang araw.

Napagod ako ng husto ngayong araw na ito. Nagalakad ako ng naglakad papunta sa mga museo na ginawa ng mga estudyante sa Mataas na Paaralan. Tumulong pa ako sa pagsasaayos ng aming sariling museo. Hay... Kakapagod talaga. T_T

Sa paglalakad ko, marami akong mga bagay na naalala. Una kasi, huling AP Day na namin kaya talagang sineryoso namin yung pagdisenyo ng aming museo. Nagkaroon pa nga kami ng minus points dahil sinet-up na namin agad yung mga mesa. Sabi nga ni Drex eh, "Kaya tayo naminusan para hindi magkaroon ng Landslide Victory." Ang optimistic talaga niya.

Nung nagbukas ang lahat ng mga museo sa publiko, naglibot kami kasama si Ms. Jham, ang class adviser namin. Talagang desidido ang lahat na manalo. Patalbugan talaga ng mga exhibit at palamuti sa museo. Grabe, talagang nag-enjoy ako sa paglilibot. Sayang nga lang, konti lang ang nakuha kong souvenirs pero ok lang yun. At least nag-enjoy ako.

Tuloy ulit sa alaala. Huli naming pinuntahan yung museo namin. Biro mo, kailangan pa namin ng ticket sa pagpasok. Eh, marami na palang may ticket na pero di pa ring makapasok kaya sila muna yung pinapasok namin. Huli na kami pumasok sa loob at sa wakas, nakita na namin kung paano nila pinresent yung museo namin sa mga tao. Pagkatapos, pinanood na namin sa huling pagkakataon yung video. Puro kaming papicture dun sa loob na parang hindi na kami magkikita-kita ulit. Tapos, paglabas namin, nagulat bigla si Ms. Jham nang may Grade Five palang pumasok kasama namin. Nasabi nga nya eh, "Eh sino ka naman???" Nakakahiya tuloy, kasi nagpapicture kami dun, nandun pala sila, nanonood. Hehe. Nagpapicture din kami sa labas ng klasrum namin. Tapos, biglang sumigaw si Aimee, "Huling AP Day na natin!" Sigawan naman kami, tapos biglang bumwelta si Drex, "Eh, gagraduate naman ba tayo???" Natawa talaga kami dun sa sinabi nya. Ayan, picture-picture. Matatanggal na ata mukha ko bukas. Haha.

Mawawala nga pala ako ng mga ilang araw...YFC Mega Camp na kasi. Kailangan ko na kasing bumawi, hindi na ako nakaka-attend ng mga gatherings eh...Saka hindi pa ako nagpapa-covenant. Kahit hindi sila sumama, buo na ang pasya ko dahil alam ko sa sarili ko, na nandun ako para pagsilbihan ang Panginoong Diyos.

Toodles nalang sa inyo! Kita-kits nalang!

Labels:


/sluggish Marjoured blogged at:
8/24/2006 07:31:00 PM
|

>>>

Hay...KAMPISE Fever at ang Nakakapagtaka... / Tuesday, August 22, 2006
Hay...Tapos na ang KAMPISE pero hindi ko parin makalimutan ang saya ng itiniuturing kong huling KAMPISE. In fairness, kinareer ko ang costume ko ngayon, parang hahabol ako sa kasal sa sobrang bongga ng suot ko! Naging finalist pa ako ng Best Costume sa 4th Year pero sayang, di nanalo. Pero ok lang yun, kasi naramdaman ko ang saya na hindi ko pa naramdaman mula nang ginawa yang KAMPISE sa school. Grade Four pa ako nun. Sayang kasi hindi ko man lang nakunan ang sarili ko na suot ang costume na yun. Hay. Yung iba kasi, todo-papicture na parang matatanggal na ang mukha kinabukasan. Hahaha.

...

Minsan, kapag matagal na kayong magkaibigan ng isang tao, lalo na kapag "opposite sex," may posibilidad na madevelop sila sa isa't isa. Oo. Marami akong kilalang ganyan ang naging istorya. Pero ito ang nagiging problema. Kadalasan ay naguguluhan ang taong nasabihan ng pag-ibig. Mas talamak ito sa kaso ng mga babae at ito ang kadalasang nagiging sanhi ng sawing pag-ibig. Hay. Pero marami paring umaasa. Marami pa ring naghihintay sa wala.
...

Nakakahinayang ang isang pagkakaibigang nasira. May posibilidad kasing hindi na ito mabalik. Pero ano nga ba ang kadalasang dahilan? Oo, alam nating may mga bagay na hindi nating gusto sa isang tao na nais na nating mabago sa kanila. Oo, pagod na nga ang magkabilang panig. Pero hanggang kailan?
...

Iiwanan ko kayo ng isang kanta mula sa APO na nirevive ng Spongecola. Nakakapagtaka.

Nakapagtataka
by Apo Hiking Society
Revived by: Spongecola

Walang tigil ang gulo sa aking
pag-iisip
Mula nang tayo'y nagpasyang
maghiwalay
Nagpaalam pagkat hindi tayo bagay
Nakapagtataka, oh.

Kung bakit ganito ang a-king
kapalaran
Di ba't ilang ulit ka nang
nagpaalam
At bawat paalam ay puno ng iyakan
Nakapagtataka, nakapagtataka

Chorus:
Hindi ka ba napapagod,
o di kaya'y nagsasawa
Sa ating mga tampuhang
walang hanggang katapusan
Napahid na ang mga luha,
damdamin at puso'y tigang
Wala nang maibubuga,
wala na 'kong maramdaman.

Bridge:
Kung tunay tayong
nagmamahalan
Ba't di tayo magkasunduan
Oh, oh.
Walang tigil ang ulan
at nasaan ka, araw
Napano na'ng pag-ibig sa isa't
isa
Wala na bang nananatiling pag-asa
Nakapagtataka, saan ka napunta?

Hindi ka ba napapagod,
o di kaya'y nagsasawa
Sa ating mga tampuhang
walang hanggang katapusan
Napahid na ang mga luha,
damdamin at puso'y tigang
Wala nang maibubuga,
wala na 'kong maramdaman.oohh

Napahid na ang mga luha,
damdamin at puso'y tigang
Wala nang maibubuga,
wala na 'kong maramdaman.
Kung tunay tayong
nagmamahalan
Ba't di tayo magkasunduan
Oh, oh.

Hanggang dito nalang.

Labels: ,


/sluggish Marjoured blogged at:
8/22/2006 05:06:00 PM
|

>>>

WOW Naman!!! FF7-MTG Cards! / Sunday, August 20, 2006
Habang nag-YM ako kagabi at walang magawa, nakita ko itong Deviantart Gallery na ito. Hmm, nagulat ako dun sa nakita ko...FF7-Magic the Gathering cards! Sana totoo nalang sila...Ito yung mga favorites ko:






Marami pa ako nakuha kaya lang, corrupted sila. Salamat kay altairabove.

Bye!

P.S. Hindi ko pa pala nasasabi na nagpalit na pala kami ng upuan sa klasrum. Nandun nako sa may unahan, malayo na sa dati kong upuan kasi yung dati kong upuan, malapit na sa labas ng klasrum. Hay, miss ko na yung upuan ko dati...Pero ok lang kasi medyo malapit na ako sa blackboard at hindi na mahirap tumingin. At nanghihinayang lang ako sa isang nasirang pagkakaibigan...Oy! Alam nyo kung sino kayo! Alam ko na mabigat yung dahilan kung bakit...Sana magkaliwanagan na kayo...

Labels:


/sluggish Marjoured blogged at:
8/20/2006 05:11:00 PM
|

>>>

Hmmm...Ganyan Talaga... / Friday, August 18, 2006
So ganun talaga ang buhay.

Hmmm.

Medyo ok naman ang takbo ng araw ngayon. Hindi naman kagandahan, hindi rin kapangitan. Basta, ok ang araw ko ngayon at yun na yun.

Gumawa kami ng mga banderitas sa school. Parte kasi yun ng celebration ng Linggo ng Wika. In fairness, ang bilis namin gumawa. Saka pulido pa ang paggawa. Medyo hindi ko makakaila na medyo may mali rin pero ok lng. Saka, binigay yung quiz sa Physics kanina. Kamote talaga ako dun. Biro nyo, 0 o itlog ang nakuha ko. Pero nagulat ako kasi hindi man lang ako nag-react ng violent sa score ko. Baka kasi sanay na ako na makakita ng mababang grade lalo na sa Physics.

Hay.

Elimination kanina ng mga kasali sa Maluwag na Talumpati. lahat, kanya-kanyang opinyon at saloobin. Pero may speech ako na natuwa ako kasi kahit nakakatawa sya, may 'sense' pa rin ang mga sinasabi nya. Si Kimchi yun.

Nanood din kami ng High School Musical kanina. In fairness, yun ang first time ko. Ang gwapo talaga ni Troy Bolton! Ang galing din ni Gabriella! Sana mapanood ko na ng buo kasi puro Fast Forward. Palibhasa, napanood na nila. Figures.

Nung club, naglaro lang kami ng Mafia. Grabe, ang saya namin eh...Saka nakakatawa kasi yung mafia namin, gustong patayin sarili nya. Kaya hindi agad natapos yung laro.

Hey, may TRO pala ako sa pag-iinternet. So, byebye na!

Labels: ,


/sluggish Marjoured blogged at:
8/18/2006 08:27:00 PM
|

>>>

Endless, a Silent Whisper / Wednesday, August 16, 2006
Hmmm...Natapos nanaman ang isang araw. Mukhang ok naman ang araw na ito..Kasi maraming nangyari na masaya...Una kasi, hindi ako nakapag balik-aral sa AP. Tapos, nung Physics, nakakatawa talaga yung kwento sa amin ni Sir Romy! Grabe, as in tawa ako to the max! Nakalimutan ko na yung tungkol sa bagsak kong quiz kanina... Pero ok lang yun! Babawi nalang ako next time! ^_^

Iiwanan ko kayo ng isang kanta mula sa Urbandub. Endless, a Silent Whisper.

Endless, A Silent Whisper
Artist: Urbandub
Album: Embrace

The night belongs to us
We're caught in a world of our own
We cling to the hope it would change for us
Is it vain? Is it too late?
Why did it have to be you than I?
I heard the news today

[Chorus]
Is this the beginning of our last chance?
Once around the floor, can we do it again
I feel the thrill from words we say
I love you

Embrace so much tighter
This could be our last together
Heaven sheds tears for the wounded hearts
Our forever has been torn apart

Our vast religions
Won't help us answer
What was pre-destined for us to have
Since long ago
It's hopeless

The world it turns with us
Hold me in closer, don't let go of me
Now we close our eyes and let go to the night
The night we feel alive

(Repeat Chorus)
Paalam sa inyong lahat!

Labels: ,


/sluggish Marjoured blogged at:
8/16/2006 08:35:00 PM
|

>>>

Ewan ko...Parang Wala Ako Dito... / Tuesday, August 15, 2006
Sa wakas! Ito ang una kong post sa wikang filipino...Malapit na kasi ang Linggo ng Wika kaya naisipan kong magpost gamit ito. Kailangan ko lng magkwento ng konti...Hmmm...

English Time-Medyo wala namang nangyaring kakaiba. Ako kasi si Gunther para sa Picture Perfect ng The Nibelungenlied. Umarte lang ako na pinatay ko yung kalaban tapos pinatay ni Juan, este Siegfried yung kalaban ko. Oks, di ba?

TLE-Naku, natawa ako ng husto dyan! Kasi ba naman, sabi sa amin ni Ms. Malou, nagbenta sya ng grape seed extract capsules sa isang matanda tapos, nung uminom daw yung matanda, nawala daw yung wrinkles nya! At ito pa, sabi nya sinubukan din nya yun at presto! Pagpunta nya sa kanyang dermacologist(dermatologist pala!), ay nawala na ang mga pekas nya! o ha! San pa kayo? Tapos, walang magawa si Juan, kinompute niya ang kikitain ni Ms. Malou sa marketing sa buong taon. At eto ang lumabas...Wah! Basta 12, figure income yun...Hindi pa kami nagdeduct ng tax. Grabe...

A.P.-Medyo nakakalungkot, kasi natalo kami agad sa game. Hmm...Ok na sana kung hindi lang sumigaw si Riel ng...Ukraine!!!

Physics-Hmm..Gumawa kami ng SW kanina at alam kong, kamote ako dun. Bukod kasi sa mali ang FBD (Free Body Diagram) ko, mali pa pati solution. Hay naku, kung bakit naman kasi...Hmmm, basta ok naman yung nangyari sa discussion nain kanina tungkol sa types of equilibrium...Natuwa talaga ako!

Math-Hmmm...Ok naman yung lesson..Pero kasi, mahirap siya kasi maraming gagawing kung ano-ano para makuha yung sagot...Pero ok lng, 0.5 na lang, exempted nako sa susunod na quiz! ^_^

So, yan lahat yung nangyari...Hmmm..Cge, Paalam!

Labels:


/sluggish Marjoured blogged at:
8/15/2006 10:11:00 PM
|

>>>

Turning 1 Year Old... / Sunday, August 13, 2006
Hey...My blog just turned one!!! Actually, I only started blogging last November, but I am celebrating the time when I was incorporated into Blogger...I am so grateful that I actually reached this time..I have always thought of shutting this blog ever since my last outage. But I thank GOD that I survived...

Anyway, Physics is getting harder than ever...We are now discussing something about seesaws in equilibrium...I really understood it but when an example about tapered poles was discussed, I totally freaked out! I really don't know how to solve it...But I managed to solve it using a different method. I miraculously passed the exam in Physics...I don't know how I managed but I was genuinely happy that my efforts did not go to waste. I am glad that I didn't get a failing grade in all the exams...^_^

I think I need to do something...I'll go check 'round about later...Bye!

Labels: ,


/sluggish Marjoured blogged at:
8/13/2006 03:23:00 PM
|

>>>

Dante's Inferno Test / Saturday, August 12, 2006
The Dante's Inferno Test has banished you to the Seventh Level of Hell!
Here is how you matched up against all the levels:

LevelScore
Purgatory (Repenting Believers)High
Level 1 - Limbo (Virtuous Non-Believers)Very Low
Level 2 (Lustful)High
Level 3 (Gluttonous)Low
Level 4 (Prodigal and Avaricious)Very Low
Level 5 (Wrathful and Gloomy)High
Level 6 - The City of Dis (Heretics)Very Low
Level 7 (Violent)Extreme
Level 8- the Malebolge (Fraudulent, Malicious, Panderers)High
Level 9 - Cocytus (Treacherous)Low


Take the Dante's Inferno Hell Test

Basically, I was banished to the seventh level of hell...Click the link to Level 7 to see what kind of hell it is...

Labels:


/sluggish Marjoured blogged at:
8/12/2006 09:05:00 AM
|

>>>

The UPCAT Experience / Sunday, August 06, 2006
Hmmm....I just had my UPCAT today and all I can say is...I don' know what to say! All I know that it's pretty much difficult...Especially the Science and Math parts...As for Language proficiency and reading Comprehension, it's quite easy. Haha, it's really easy...dunno about Science and Math though...

Anyway, it's 60 items for Math and Science and 90 items for reading comprehension and 85 for Language Proficiency... Hmmm....

So there, it's done. I hope I'll pass it. But I only have a 50-50 chance I guess.

P.S. While waiting for our turn to enter the College of Architecture building, I saw this girl, texting. I don't know why, but everytime I set my eyes on her, I feel kind of...I dunno. Annoyed? Was it because her cellphone was so BIG? Or because I know that she will also take the test? Hmmm...And by the way, her name's Dan. Hmmm...

Labels:


/sluggish Marjoured blogged at:
8/06/2006 06:05:00 PM
|

>>>

Tagged. / Saturday, August 05, 2006
I was tagged by Christine. Here are the mechanics:

Instructions: Name ten(10) of life's simple pleasures that you like the most, then pick ten(10) people to do the same. Try to be original and creative and not to use things that someone else has already used.

1. LOVING FAMILY- Without them, I am not here. They have always supported me in what I want to do. Without them, I have nowhere to go in this life.

2. GOD UP ABOVE- You have always looked after me and I thank You Lord, for doing so.

3. FRIENDS- My fans. Haha... Joke, they are my Guardian Angels personified.

4. MUSIC- Is the air I breathe. Yes.

5. BOOKS- Without them, I'll be an empty shell forever.

6. TEACHERS- The potters of their clay(students).

7. AIR- Without it, I'll die.

8. FOOD- Same reason as Number 7.

9. WATER- Same reason as Number 7 and 8.

and last but not the least,

10. INTERNET- Hmmm...Guess why.

I'll Tag:
Karmi
Jessa
Fiel
Justine
Janpol
Jonnazel
Nagi
Ayra
Vanny
Celena

...

I just watched Sukob today, and all I can say is...

Dunno. The movie watchers were too OA. Shouts and screams were all I heard there. Well, it's pretty scary but I guess there's nothing to be scared about though.

Labels:


/sluggish Marjoured blogged at:
8/05/2006 05:15:00 PM
|

>>>

Disturbing Signs / Friday, August 04, 2006
Last night, I dreamed that I was slowly losing blood. I saw the tube with my blood flowing freely on it. I was about to close my eyes in that dream when suddenly, my sister woke me up. I woke up and sat with a start.

I told a lot of people about my dream. They told me that it is somewhat morbid. I began to feel nervous. Maybe the dream wants to tell me something. When i got home, I searched the net for the meaning. And here it is:

Meaning of Dreams about Blood

Blood Dream Meaning Psychological meaning: Blood is a symbol of life. If you dream of losing blood then you may be suffering from exhaustion or feel emotionally drained by a situation. Blood can also symbolise passion, especially love, anger or even violence. Women sometimes dream of blood at the start of their menstruation.

Blood Dream Meaning Mystical meaning: In many ancient rituals the participants would drink the blood of the sacrificial animal. This represented sharing in the power and strength of the gods. Similarly, to dream of drinking blood may be a grizzly symbol for receiving new vitality.

Hidden Meaning of Dreams by author Craig Hamilton-Parker. Dream interpretation for Blood Dream Meaning Symbol is Copyright

I agree with the psychological meaning. I really feel drained because of what's happening with me. I had to balance school with my other priorities. And I had to think about my endless problems which don't seem to leave me. I guess I have to relax a little bit. As with the mystical meaning, I sort of agree with it too. I really feel quite energetic this day and it was totally different for me.

Well, I guess there will be more weirder dreams coming soon...

Labels: ,


/sluggish Marjoured blogged at:
8/04/2006 12:56:00 PM
|

>>>

Recovered. / Wednesday, August 02, 2006
Finally! I recovered from the Wordpress frame-up! Wahahaha...I had this terrible brush with Wordpress and it deliberately wiped away my template! Hehe, It took me five seconds for me to realize that I'm dead beat. Anyway, I was surfing the net and I found this wonderful layout with a FLASH header. It was so cute, I had to get it. And finally, I'm back again. I am sorry for the inconvenience that this small incident caused. Put me back to your links list please! =)

I am currently having my Quarterly exams. We had Filipino, Araling Panlipunan, and Computer for this day. I had a breeze with the first two subjects. But when I had the Computer test, it was a TOTAL DISASTER!!! I forgot some of the items! And I forgot to put the finishing touches for my Pseudocode! Well anyway, I don't expect a passing grade in that subject though. I'll just do better in English and Math tomorrow. T_T

This coming Sunday, I will be taking my UPCAT. And I got the early schedule, 6:30 AM, College of Architecture building. I am so excited and nervous. I hope that I'll be able to pass the exam. \m/

Wish me luck! ^_^

Labels: , ,


/sluggish Marjoured blogged at:
8/02/2006 07:32:00 PM
|

>>>