r radioblogclub / quicktime player here. =)
introduction
Welcome to My Turf. This site is owned by someone hiding in the persona of Glenda. Please take into consideration that all the ramblings posted here are all what the owner feels and no one can make fuss of it. This is my blog and you must abide by my two rules. One, don't spam the tagboard and two, comment on my posts and tag before you go. Enjoy your stay!

For more information regarding my rules, here is a detailed .




A Pinoy Blogger


Pinoy Bloggers[dot]Org



the drugged
Joy! I'm a Creature Banana

Surrounded by inner demons, that's how a blogger lives.
Marj/Marjoured/ Glenda. Born on October 11, 1990. Certified Libra. A Fourth year student. Wannabe Atenean, Thomasian, Fighting Maroon, Lasallian. Loner. Misunderstood. Certified Bookworm. Likes all subjects except PHYSICS. Has a distant past. Frequents all the so-called "MASA" places. Has a short temper and one-track mind that goes well together. Word lover, number hater.The so-called "shock absorber" of the class. More?




Want this badge?

currently ingesting
Mood: The current mood of constantly4 at www.imood.com
Status:
Sorted in: So basically, you're cunning, ambitous, and willing to use any means to meet your ends. Lots of people think Slytherins are cold, evil, heartless people.. and although some are, some are not. Slytherins are the most misunderstood people.. You're not all evil! We're misconceived and misunderstood, and have been given a bad rep.. The movie makes us look terrible. People just have this thing about people about ambition.. Hmm.. Well, you know you're the best, so I guess it doesn't matter. Gryffindor may beat you at everything.. but you still keep trying! COME ON, SHOW SOME SLYTHERIN PRIDE!
Achieved: 3rd place as Filipino Blog of the week!
Medal ko sa Talahasaan..Medyo light yellow nga lang nang konti yung ribbon...Thanks Kaye!




overdoses on
food anything edible
drink Dutch Mill Strawberry drink
musicOPM
book Robinson Crusoe
wears orange shirt and pants
time to study for physics
surfs on utakGAGO's blog
watches the stars fall down *huh?*

looking for the lost soul



This site is certified 39% EVIL by the Gematriculator

my daily dosage
Lucille|Betina| Xtian|Jemima| Timi| Christine|Mara1|Karmi|Alexine| Jonnazel| Nagi|Celena|Rowjie|
Alyanna|Jigs|Lilprincess|Vanny|
Jessa|Mark|Komski|Janpol|ralphT|
Laura|Mara2|Fiel|Justine|Ayra|Jellie|
Donya Quixote|Rizza|Neil|Moshi|
Tifoso|Talksmart|Fave|Lark|Icarus05|
Vinkz|Xienah|Tin|Faye|RC|Chino|
Kneeko|Tricia|Luki|Mikmik|Avy|Dotep|
Lexine|Pot|Rina|Mr. Tuesday|Via|
Kevin|Seji|Ikay|Kaye|Mai|Charmaine|
Chester|Shawboy|Jo|Jebski|Aya|Yen|
Yaoi|Marj|Plue|Lea|Ciel|Avery|Jedd|
Mara3|Vince|Katia|Memesh|Memesh2|
Miara|Mumay|Arianne|Thian|Carcar|
Pam|Jhayronel|Deng|Glam|Hershey|
Aaron|Eedom|Marchie|Deejay|Nika|
Angel|Alyssa|Garytarugo

nurse's station
the healing process
February 2006
March 2006
April 2006
May 2006
June 2006
July 2006
August 2006
September 2006
October 2006
November 2006
June 2007

generic names
Archives of my Life|School Blues|Rages of the Heart |Out of the Blue |Tripping |Tags |Works

drug counters
GameCounter friends.

Locations of visitors to this page

credits


Napagod at Nasiyahan / Sunday, August 27, 2006
WHAT: YFC Mega Camp
WHERE:BPS-Silang, Cavite
WHEN: Aug. 25-27, 2006

Hay...Sa wakas at nakauwi nako sa bahay! Galing kasi ako sa YFC Mega Camp sa BPS Silang. Sobrang saya talaga ng pakiramdam lalo na pag natupad mo na ang pinakamimithi mo sa pagiging YFC-ang maging parte ng YOUTH Camp Service team. Kwento ko lang yung mga pangyayari before and after mag-camp.

Friday-Pagkagaling ko sa school, nag-online muna ako. Tapos, umalis nako sa bahay ng mga 3:30 ng hapon. Sumakay ako ng dyip, kaya lang...ang nasakyan ko pala, hindi dadaan sa Walter Mart Dasma. Kaya sumakay ako ulit ng dyip pero hindi pala dadaan sa tapat ng Walter Mart. Naglakad pa tuloy ako hanggang sa entrance at buti nalang, nandoon pa sila. Sumakay kami sa mga dyip na dinala kami sa BPS. Nakapunta nako dun kaya ayos lang.

Pagkalagay namin ng gamit, nagpunta kami sa isang bakanteng lote para mag-worship. Pagkatapos nun, pumunta kami ng session hall para makinig ng Talk 1 pero bago nun, naglaro kami ng bahay, baboy, bagyo. Pero eto ang masaklap. Kumain na kami ng dinner ng mga 10 na ng gabi. Biro mo, gutom na gutom ka na talaga tapos, malilipasan ka rin. Pero since service team ako, hindi ako nakakain agad. Pagkatapos kumain, binigay na ang mga room assignments. Hindi ko nga expected na may kwarto pa ako eh. Kasama ko sa kwarto sina Jannylin, Eds na taga Dasmarinas National High School, si Kat mula sa Tagaytay Science National High School, at si Anna, na ka-schoolmate ko, at kapatid ng bestfriend ko.

Tapos, meeting na ng service team. Nasita kami kasi hindi pa ganap yung nagawa naming serbisyo sa camp. Sinabi sa amin na kailangang magpursigi pa kami sa pagseserve sa camp kasi sabi nga nila, "Dati, nung kayo ang participants, kayo ang pinagsisilbihan, ngayon, kayo naman ang magsisilbi sa mga participants."

Tapos, hindi pa ako agad natulog. Nag-usap pa kami ni Kat hanggang ala-una ng madaling araw. Tapos, natulog na ako.

Saturday-Nagising ako ng sobrang aga. 3:00 AM. Grabe, nalaman ko lang na wala pang gising nung mga oras na yun kaya natulog ako ulit ng saglit. Nagising ako ng mga 3:45 ng umaga. Dahil nga sa ingay na nagawa ko, nagising na rin si Kat saka si Anna. Naligo na ako saka nagbihis. Mga 6:00 ng umaga, nagpunta kaming Service Team sa session hall para mag-morning worship. Marami na samin ang nakaligo na pero marami ring di pa nakaligo lalo na sa mga lalake. Tapos, sinabi na kung sino ang mga facilitators. Kasama ako ni Kat sa pagiging faci. Grabe ang saya na naramdaman ko nun. Sa wakas, natupad ko na yung pangarap ko. Pinangako ko sa sarili ko na tutuparin ko ang tungkulin ko ng mabuti. Tapos, pumunta na kami sa dining room para tumulong sa paghahanda ng pagkain.

Nagsimula na yung Talk Two. Wala nanaman ako ulit dun kasi nag-prayer warrior ako kasama ni Jove at ni Neil V. Pagkatapos, nagmeeting ang lahat ng facilitators para sa group discussion at one-to-one sessions. Tapos, bumalik ako sa session hall. Tapos na yung Talk Two. Tapos, nagsimula yung group discussions. Marami kaming na-share na experiences sa discussion namin. Tapos, nagsimula yung Talk Three. Habang nangyayari yung talk, parang nakaramdam ako ng kakaibang lungkot. Ewan, parang nalungkot ako na parang may namatay samin. Tapos, nung tinugtog yung I Give My All na kanta, naiyak nalang ako sa isang sulok. Biglang tinanong ako ni Dyanne kung ok lang ako. Tapos, biglang umiyak nalang ako ng malakas. Nagulat nga sila na nangyari eh. Akala ni Kimchi na kasalanan nya yung nangyari. May bigla akong naalala dun sa kanta na hindi ko maintindihan. Kung tutuusin, lagi ko namang kinakanta yun pero, wala namang nangyaring ganun sakin. Ngayon lang talaga yun nangyari. Tapos, unting-unti ako kumalma. Nagpunta ako sa dining room na namumugto ang mga mata. Pagkatapos kumain ng mga participants, kumain na rin ako mag-isa. Pagkatapo kumain, pumunta ako sa kwarto para makipag-uasp kay Kat tungkol sa plano sa one-to-one sessions. Tapos, nung nagawa na namin yung plano, pinababa namin yung mga "alaga" namin sa lobby para maghintay ng turn nila.

Nung natapos yung session, pumunta kami ulit sa session hall para magmiryenda ng mais. Tapos, nagpractice kami para sa E-Nyt. Band workshop ang sinalihan ko. Yung mga kagrupo ko, taga Dasmarinas National High School lahat. Ako lang ang taga-Seton kaya na-OP ako dun pero ayos lang, kasi mabait silang lahat. Nakasundo ko sila agad. Pagkatapos ng practice, tinawag kami para mag-worship ulit habang nagaganap yung talk four. Nung nagworship kami nun, nakaramdam ako ng pagsisisi kasi sa mga bagay na pinabayaan ko para lang gawin ang gusto ko, at yung YFC ay kasama sa mga pinabayaan ko.

Pagkatapos ng worship, nagprepare kami para sa prayover session. Kinabahan talaga ako nun pero ok naman ang naging takbo ng session dahil kay GOD. Pagkatapos, nakaramdam ako ng kakaibang feeling ng contentment. Na parang wala na akong mahihiling pa. Pagkatapos nun, kumain na kami ng hapunan at pagkatapos ay dumiretso kami sa session hall para sa artificial bonfire namin.

Pagkatapos ay E-Nyt na. Grabe, nakakatuwa yung mga performances naming lahat..Lalo na yung Gag workshop. Yung tungkol sa sabon.

Tapos nun, nagmeeting uli ang service team at napuri kami sa mga nagawa namin...Hay salamat!

Tapos, natulog na ako ulit. Pero medyo maaga. Mga 12:05 AM.

Sunday-Tinanghali ako ng gising. Mas maaga ang call time ng mga Service Team pag umaga. Nagisiing ako ng 5:55 AM. Nagulat ako nung nalaman ko yung oras. Eh, gusto ko na sanang maligo kaya lang, marami nang tao sa banyo kaya pumunta ako sa session hall na naka pantulog lang. First time yun nangyari sakin sa camp pero ok lang pala yun. Pagkatapos ng morning worship, nagpunta ako sa banyo para maligo agad kasi nakatoka akong tagahugas ng pinggan. Pagkapaligo ko, binaba ko yung mga gamit ko tapos pumunta nako sa dining room para tumulong sa service team doon. Kumain na ako agad ng agahan para makahugas na ako agad. Pagkakain, hugas na ng mga pinggan. Ang sarap palang maghugas.

Bumalik ako ng session hall para sa talk 5. Pero hidi ko narinig lahat kasi may ginagawa akong importante nun. Nagtatraffic aide kami ni Benedict nun. Grabe, ang hirap ng trabaho namin. Nagkwentuhan kami at nabanggit nya na natutukso syang bumili ng sigarilyo pero nalabanan nya ang tukso. hanga talaga ako sa kanya.

...SECRET!...

Bumalik ako sa BPS para sa closing worship. Pagkatapos, kumain ako ng Goto at pagkakain, umuwi na ako.

...

Marami akong natutunan sa tatlong araw na pamamalagi ko sa BPS. Pero ito ang tumatak sa isip ko, "Sa paglilingkod natin, isipin natin na hindi yun para sa ating sarili, para yun sa DIYOS."

Labels: , ,


/sluggish Marjoured blogged at:
8/27/2006 01:46:00 PM
|

>>>