Counter Post / Monday, September 25, 2006
NOTE: This counter post is written to express the author's opinion from another point of view... For more details, see my borks galore and everything in between post. Thanks!
Well, remember how I really hated those BOrks? Yes, I thought they were the scum of the earth But what happened this morning changed everything.
I'll be writing my post in Taglish since I couldn't find the words to describe what really happened. Please bear with me if you find it quite irritating.
...
Kaninang umaga, habang naglalakad ako sa may catwalk, bigla kong nakasabay si...Ayumi (Ang BOrk Queen kuno nina Lulu). Mukhang masama ang pakiramdam nya. Ikinuwento nya sa akin na habang nagpa-check up sila, sabi sa kanya ng doktor, "You look miserable." Hindi ko alam kung matatawa ako o maaawa sa kalagayan nya. Iniisip ko kasi kung anong mangyayari kay Betz sa klasrum nila. Pagkaakyat, naghiwalay kami sa may second floor (sa third floor pa kasi ang room ko) pero sinabi ko na pupunta ako sa klasrum nila.
Pagdating ko sa klasrum nila, nakita ko ang todong pag-iwas ni Lulu kay Ayumi. Nadidismaya ako nung mga oras na iyon pero may nararamdaman pa kasi akong galit kaya nagkibit-balikat nalang ako. Sumama ako sa kanila papunta sa klasrum ko dahil manghihiram si Lulu ng calculator. Pagkabalik namin, dumating na si Betz. Nakita ko na hinawakan ni Ayumi si Betz at tinanong nya kung anong nangyayari. Hindi siya sumagot. Bigla nalang sila nag-usap ni Lulu at nagulat ako nang biglang hinila ako ni Ayumi papunta sa isang sulok ng klasrum para tanungin ako. Una, hindi ako makasagot kasi kinakabahan ako nang husto pero unti-unti kong sinagot ang mga tanong niya. Hindi na halos maipinta ang mukha nya.
Nagpatuloy ang estadong ito hanggang dumating ang oras ng recess. Nakita ko silang nag-aabang sa may Viewing Room 1 para sa Physics nila pero hindi ko makita roon si Ayumi. Nagpasya akong pumunta sa klasrum nila at doon ko sya nakita. Doon nya inilabas sa akin ang sama ng loob nya at ang eksplanasyon ng talagang nangyari. Doon ako nakarating sa konklusyon na parang ni hindi nila binigyan ng pagkakataon si Ayumi na makapagpaliwanag. Kaya nung lunch, umupo ako pero hindi malapit kina Ayumi o kina Betz.
...
I reached a point where in I have to weigh everything that they said and she said. I know that it's hard but it's a part of life and we can't just chuck it out of our system. I know that I also jumped into a conclusion but I realized that she too had a point. They did not give her the chance to explain her predicament.
MESSAGE TO BOTH PARTIES: Broaden your understanding of each other.
TO BETZ: Talk things over with Ayumi. Tell her what is really on your mind.
TO AYUMI: Same as betz. Talk things over. Clarify the matters that are needed to be clarified. Ask her what's going on.
Labels: Archives of my Life
/sluggish Marjoured blogged at:
9/25/2006 10:01:00 PM
|
>>>