r radioblogclub / quicktime player here. =)
introduction
Welcome to My Turf. This site is owned by someone hiding in the persona of Glenda. Please take into consideration that all the ramblings posted here are all what the owner feels and no one can make fuss of it. This is my blog and you must abide by my two rules. One, don't spam the tagboard and two, comment on my posts and tag before you go. Enjoy your stay!

For more information regarding my rules, here is a detailed .




A Pinoy Blogger


Pinoy Bloggers[dot]Org



the drugged
Joy! I'm a Creature Banana

Surrounded by inner demons, that's how a blogger lives.
Marj/Marjoured/ Glenda. Born on October 11, 1990. Certified Libra. A Fourth year student. Wannabe Atenean, Thomasian, Fighting Maroon, Lasallian. Loner. Misunderstood. Certified Bookworm. Likes all subjects except PHYSICS. Has a distant past. Frequents all the so-called "MASA" places. Has a short temper and one-track mind that goes well together. Word lover, number hater.The so-called "shock absorber" of the class. More?




Want this badge?

currently ingesting
Mood: The current mood of constantly4 at www.imood.com
Status:
Sorted in: So basically, you're cunning, ambitous, and willing to use any means to meet your ends. Lots of people think Slytherins are cold, evil, heartless people.. and although some are, some are not. Slytherins are the most misunderstood people.. You're not all evil! We're misconceived and misunderstood, and have been given a bad rep.. The movie makes us look terrible. People just have this thing about people about ambition.. Hmm.. Well, you know you're the best, so I guess it doesn't matter. Gryffindor may beat you at everything.. but you still keep trying! COME ON, SHOW SOME SLYTHERIN PRIDE!
Achieved: 3rd place as Filipino Blog of the week!
Medal ko sa Talahasaan..Medyo light yellow nga lang nang konti yung ribbon...Thanks Kaye!




overdoses on
food anything edible
drink Dutch Mill Strawberry drink
musicOPM
book Robinson Crusoe
wears orange shirt and pants
time to study for physics
surfs on utakGAGO's blog
watches the stars fall down *huh?*

looking for the lost soul



This site is certified 39% EVIL by the Gematriculator

my daily dosage
Lucille|Betina| Xtian|Jemima| Timi| Christine|Mara1|Karmi|Alexine| Jonnazel| Nagi|Celena|Rowjie|
Alyanna|Jigs|Lilprincess|Vanny|
Jessa|Mark|Komski|Janpol|ralphT|
Laura|Mara2|Fiel|Justine|Ayra|Jellie|
Donya Quixote|Rizza|Neil|Moshi|
Tifoso|Talksmart|Fave|Lark|Icarus05|
Vinkz|Xienah|Tin|Faye|RC|Chino|
Kneeko|Tricia|Luki|Mikmik|Avy|Dotep|
Lexine|Pot|Rina|Mr. Tuesday|Via|
Kevin|Seji|Ikay|Kaye|Mai|Charmaine|
Chester|Shawboy|Jo|Jebski|Aya|Yen|
Yaoi|Marj|Plue|Lea|Ciel|Avery|Jedd|
Mara3|Vince|Katia|Memesh|Memesh2|
Miara|Mumay|Arianne|Thian|Carcar|
Pam|Jhayronel|Deng|Glam|Hershey|
Aaron|Eedom|Marchie|Deejay|Nika|
Angel|Alyssa|Garytarugo

nurse's station
the healing process
February 2006
March 2006
April 2006
May 2006
June 2006
July 2006
August 2006
September 2006
October 2006
November 2006
June 2007

generic names
Archives of my Life|School Blues|Rages of the Heart |Out of the Blue |Tripping |Tags |Works

drug counters
GameCounter friends.

Locations of visitors to this page

credits


Napagod at Nasiyahan Part II / Thursday, September 07, 2006
WHAT: Outbound Education Trip
WHERE: Mt. Banahaw Complex 1 (Sta. Lucia) Dolores, Quezon
WHEN: September 6, 2006

TRIVIA: Ang Mt. Banahaw ay may apat na complex:

Complex 1: Sta. Lucia (Dito kami pumunta!)
Complex 2: Kinabuhayan
Complex 3: Durungawan
Complex 4: Paraiso

Kapag aakyat tayo sa mga apat na complex na ito... Aabutin tayo ng apat na araw paakyat sa tuktok ng Durungawan at apat na araw pababa ng Paraiso...

...

Hay...Nakakapagod talaga ang araw ko kahapon. Kagagaling ko lang sa Complex 1 ng Mt. Banahaw sa Dolores, Quezon. Hayaan nyong ikwento ko ang lahat ng nangyari dun sa pinuntahan naming yun...

Sa School

Umalis kami ng school ng mga 6:30 ng umaga. Nahati ang section namin kaya kasabay nung iba samin ang IV-Physiology sa bus. Nung bago kami umalis, naglead ako ng prayer para sa safety ng trip namin at siyempre para na rin dun sa mga di nakasama. Yung mga kasabay naming facilitators: Kuya Ron, Kuya Eman, Kuya Jan, at si Ate Tina. Excited talaga ako, parang di nako makapaghintay na makapunta dun!

Sa Biyahe

Di ako masyadong makadaldal kasi sa sobrang excitement. Hanggang makarating kami sa stopover namin, lost for words parin ako. Pumunta ako sa minimart doon at bumili ng 5 na Chupa Chups lollipops. tatlo dun, cola flavor. Addict talaga no? Pero hindi ko lang alam, may silbi pala yung pagdadala ko ng lollipops sa bundok. Sasabihin ko mamaya kung bakit.

Nung umaandar na ulit kami, nadaanan namin ang isang bus na may mga estudyante rin. Kaway kami ng kaway sa kanila at kumakaway rin sila. Nung pagdating namin sa Calamba Exit, nawala na yung bus nila. Sayang, akala namin kasabay rin namin sila sa Banahaw.

Nang nasa Sto. Tomas, Batangas na kami, tumirik yung kabilang bus kasi nag-breakdown yung aircon nila. Tumawag na sila ng backup na bus pero nalaman na lang namin na ayos na ulit yung aircon nila. So tuloy ulit ang biyahe.

Binigyan kami ng aming seatwork. Ang Outbound Ed Journal. Para may maisagot kami, naglecture si Kuya Eman tapos minsan, nababanggit nya yung mga sagot dun. Pero, habang naglelecture siya, marami nang natutulog sa upuan nila. Kaya sinabi nya na pwede kaming matulog ng 10 minutes. Nung makakatulog na ako, sobrang tahimik ng paligid. Nung bigla akong nagising, tahimik parin. Ang peaceful talaga. Tapos, ginising kami ng boses ni Kuya Eman at tinuloy niya ulit yung lecture. Halos hindi ako nakikinig dahil na rin sa sobrang antok at excitement sa kung ano ang naghihintay samin dun.

Nung malapit na kami sa site, ayan, empake na ng dadalhing mga gamit. Nagpahid ako ng sunblock at OFF! Lotion kasi una, mainit ang panahon at pangalawa, jurassic ang mga lamok doon. Nung pagbaba namin, hirap na hirap ako sa pagdadala ng lunch box ko dahil sobrang bigat nun talaga. Naglakad na kami papunta sa Spiritual Filipino Catholic Church at doon kami nag-stretching at nag-CR. Pagkatapos nun, tumulak na kami papunta sa bundok.

Sa Bundok

Iniwan namin ang mga gamit namin sa may parang talipapa tapos, bumaba na kami sa parang hagdan doon. mahirap bumaba dahil hindi talaga proportional yung mga steps at minsan, hindi pa kasya ang paa ko dun. Nang makababa na kaming lahat sa hagdan, pumunta ka kami sa Talon ng Buhok ng Ina.

Sa talon, naligo kami dun isa-isa. Nung ako na yung maliligo, tumingala ako nang nakabukas ang bibig at nakainom ako ng maraming tubig. Inisip ko kung malinis yung tubig dun sa talon at buti nalang, malinis yun. Masarap kasi yung lasa ng tubig, daig pa ang mineral water. Pagkatapos naming maligo sa talon, dun naman kami sa Ilog Laslas o ang tinatawag nilang "Jordan River." Lumusong kaming lahat sa tubig at nagdasal kami ng mga kahilingan namin tapos, lumubog kami ng tatlong beses sa tubig. Ang sarap talaga doon. Pagkatapos nun, umakyat na kami ulit sa hagdan pabalik sa talipapa. Pagkapahinga doon, tumulak na kami papunta sa 'gate' ng Mt. Banahaw. Nang makarating na kami doon, naglecture ulit nang konti si Kuya Eman saka kami pumasok doon.

Una naming narating ang Prisintahan. Ito ay isang pwesto o shrine sa Mt. Banahaw, tulad ng Talon ng Buhok ng Ina, at ng Ilog Laslas. Ito ay sumisimbolo sa Aklat ng Buhay. Kapag pumirma daw kami sa batong iyon, matatala daw ang mga pangalan namin sa langit. Sinulat namin yung mga surname namin sa bato at tumulak na kami patungong Husgado. Sa pag-akyat namin papunta dun, kailangan kong ibato pataas yung lunch box kong mabigat para makaakyat ako nang maayos. Buti nalang ginawa ang lunch box kong iyon para ibato kung saan-saan. Sa wakas, nakarating na kami sa Husgado, pero bago yun, kumain muna kami ng tanghalian. Pagkatapos, pumunta kami sa isang shed para magtanggal ng sapatos tapos pumunta na kami sa crack.

Bago kami pumasok sa crack, nagdasal muna kaim. Humingi kami ng kapatawaran sa mga kasalanan namin. Tapos, isa-isa na kami pumasok sa loob.

**Ang Crack

Pagpasok ko sa loob ng crack, pumasok talaga sa isip ko na hindi ako kakasya sa loob kasi hirap na hirap ako dumaan sa mga chambers nito.

Nung makarating ako sa pangalawang chamber, dun na ako naghirap ng husto. Una, pinulikat ang kaliwang paa ko. Pangalawa, dahil sa bigat ko, nahirapan akong itulak ang sarili ko paabante. Nung makalampas ako, akala ko tapos na pero hindi pala. Meron pang isang chamber na kung saan, kailangan ko talagang iaangat ang katawan ko at umabante pataas. Tinulungan pa ako ng facilitator namin para lang makaakyat doon. Akala ko ulit, tapos na ang paghihirap ko. Pero hindi parin.

Narating ko na ang huling pagsubok. Kailangan ko ulit iangat ang katawan ko paitaas tapos parang kabayo ang usad ko paabante. Dito talaga ako naghirap. Natagalan ako dito nang husto. buti nalang, hinila ako ni Kuya pataas kaya nakaakyat ako pataas at sa wakas, nakita ko na ang liwanang. Paglabas ko sa crack, may nakuha akong mga gasgas.

**

Habang hinihintay naming lumabas sa cave yung iba naming mga kasama, nagpahinga muna kami. Iniisip ko yung tungkol sa mga diskarteng ginawa ko sa loob ng crack. Doon ko naranasan ang paghihirap at yun ang nagpagising sa konsensya ko. Desidido na akong umakyat sa Kalbaryo kahit mahirap pa ang daan.

Nagsimula kaming umakyat ng Kalbaryo at ito na ang pinakanakakapagod na parte ng paglalakbay namin. Halos nahuhuli nako dahil narin sa pagod. Mabuti nalang bago pa ako mapagod nang husto, narating ko na yung tuktok. Pagkatapos naming magdasal, bumaba na kami ng bundok.

Sa Bus Pauwi

Sa bus, sumabay samin si Kuya Bidz. Nalaman namin na Tadjock pala sya sa Wazzup! Wazzup! (Think: Wallace) Grabe, nakakatawa talaga sya! Niloloko nga nya ako kagabi kasi tinanong nya kung sino daw yung "You're Here" sa t-shirt ko. Nahiya talaga ako nang husto at tinago ko yung shirt sa jacket ko. Kumanta pa nga sya ng kanta eh.. Grabe!

***

Sa Banahaw nakakakita ng maraming secta. Pero ang mga mamamayan ng bundok Banahaw ang nagpakita samin ng isang aral: Talagang masisipag ang mga Pilipino. Kailangan itama natin ang viewpoint natin sa kasaysayan.

Hanggang sa muli.

Labels: ,


/sluggish Marjoured blogged at:
9/07/2006 06:04:00 AM
|

>>>