r radioblogclub / quicktime player here. =)
introduction
Welcome to My Turf. This site is owned by someone hiding in the persona of Glenda. Please take into consideration that all the ramblings posted here are all what the owner feels and no one can make fuss of it. This is my blog and you must abide by my two rules. One, don't spam the tagboard and two, comment on my posts and tag before you go. Enjoy your stay!

For more information regarding my rules, here is a detailed .




A Pinoy Blogger


Pinoy Bloggers[dot]Org



the drugged
Joy! I'm a Creature Banana

Surrounded by inner demons, that's how a blogger lives.
Marj/Marjoured/ Glenda. Born on October 11, 1990. Certified Libra. A Fourth year student. Wannabe Atenean, Thomasian, Fighting Maroon, Lasallian. Loner. Misunderstood. Certified Bookworm. Likes all subjects except PHYSICS. Has a distant past. Frequents all the so-called "MASA" places. Has a short temper and one-track mind that goes well together. Word lover, number hater.The so-called "shock absorber" of the class. More?




Want this badge?

currently ingesting
Mood: The current mood of constantly4 at www.imood.com
Status:
Sorted in: So basically, you're cunning, ambitous, and willing to use any means to meet your ends. Lots of people think Slytherins are cold, evil, heartless people.. and although some are, some are not. Slytherins are the most misunderstood people.. You're not all evil! We're misconceived and misunderstood, and have been given a bad rep.. The movie makes us look terrible. People just have this thing about people about ambition.. Hmm.. Well, you know you're the best, so I guess it doesn't matter. Gryffindor may beat you at everything.. but you still keep trying! COME ON, SHOW SOME SLYTHERIN PRIDE!
Achieved: 3rd place as Filipino Blog of the week!
Medal ko sa Talahasaan..Medyo light yellow nga lang nang konti yung ribbon...Thanks Kaye!




overdoses on
food anything edible
drink Dutch Mill Strawberry drink
musicOPM
book Robinson Crusoe
wears orange shirt and pants
time to study for physics
surfs on utakGAGO's blog
watches the stars fall down *huh?*

looking for the lost soul



This site is certified 39% EVIL by the Gematriculator

my daily dosage
Lucille|Betina| Xtian|Jemima| Timi| Christine|Mara1|Karmi|Alexine| Jonnazel| Nagi|Celena|Rowjie|
Alyanna|Jigs|Lilprincess|Vanny|
Jessa|Mark|Komski|Janpol|ralphT|
Laura|Mara2|Fiel|Justine|Ayra|Jellie|
Donya Quixote|Rizza|Neil|Moshi|
Tifoso|Talksmart|Fave|Lark|Icarus05|
Vinkz|Xienah|Tin|Faye|RC|Chino|
Kneeko|Tricia|Luki|Mikmik|Avy|Dotep|
Lexine|Pot|Rina|Mr. Tuesday|Via|
Kevin|Seji|Ikay|Kaye|Mai|Charmaine|
Chester|Shawboy|Jo|Jebski|Aya|Yen|
Yaoi|Marj|Plue|Lea|Ciel|Avery|Jedd|
Mara3|Vince|Katia|Memesh|Memesh2|
Miara|Mumay|Arianne|Thian|Carcar|
Pam|Jhayronel|Deng|Glam|Hershey|
Aaron|Eedom|Marchie|Deejay|Nika|
Angel|Alyssa|Garytarugo

nurse's station
the healing process
February 2006
March 2006
April 2006
May 2006
June 2006
July 2006
August 2006
September 2006
October 2006
November 2006
June 2007

generic names
Archives of my Life|School Blues|Rages of the Heart |Out of the Blue |Tripping |Tags |Works

drug counters
GameCounter friends.

Locations of visitors to this page

credits


A Serious Matter. / Monday, October 30, 2006
NOTE: The thing I'm about to discuss is very serious and readers would be advised to be very tactful and sensitive in reading this post. I will be revealing some aspects of my personality that I don't know whether you'll accept or reject. To all those who know me personally at school, I advise you to be very careful in judging my character after you read this post.

***

I turned on my computer at about 7:30 in the morning (right after I ate my breakfast) and decided to get started on my research proposal when my procrastination attacked me again and I decided to blog hop instead. After going to Mr. Talksmart's blog to monitor the voting, I checked out my blog again and saw a couple of new tags. I clicked the link on one of the tags (I think that was Mai's blog) and the first post there caught my attention. I decided to check out Potpot's blog for the original post and after a few minutes of reading and rereading the said post, I decided that I couldn't hide anything anymore. I decided to give my reaction to the said post.

***

I am also openminded when it comes to homosexual realationships.

I believe that they should also be given a chance to be happy. They should not be discriminated because they are people too, just like you and me. In fact, I salute them because they were not afraid to reveal to people who they really are. I don't believe that homosexuals were the scum of society. They are even more determined to make ends meet by taking jobs in the parlor, etc. and I respect them for that.

With regards to the relationship part, I think that they are even more sincere than the straight ones. They really shower their partners with love and affection. The realtionship is almost perfect, except that they are of the same sex.
...

I was once involved with this kind of realtionship.

Shocking isn't it? Yes, I was once involved into this kind of relationship. Believe me, it did not cross my mind that I would have a relationship with someone of the same sex but it did happen. It did happen.

***

I once studied in an all-girls school, St. Paul College-Paranaque. This old school of mine is now a coed school, but during my time (about 1997-1998), it was just exclusive for girls. Boys were a BIG no-no into our campus back then. So, I have seen lots of girls milling around the campus, doing other stuffs beyond the normal scale. I was really curious back then. *thinks*

My first brush with this so-called homosexual feelings came when I was in Grade Five, when I transferred to ESS-South. I had this certain 'crush' on this girl in our class. But, I was able to control my feelings when I had a crush on a boy in the same class. But that feeling returned when I was in Grade Six, I also had a 'crush' on this girl in my class again. But still the same, I managed to control my feelings. I thought that I would be able to get over it when I move on to High School. But I was wrong.

During my first and second year, I had 'crushes' on girls. But still the same, I managed to get over it but I noticed that I would usually have periods where in I would feel really frustrated with the missed opportunities. And everytime boys dance with them during the HS Night, I would really lose control.

But during my Third Year, it happened.

***

I met her during a CCP practice. I was still at school and I decided to watch the practice since I have nothing else to do. I was with my friends when she suddenly joined in our conversation. I introduced myself to her and we talked about hilarious stuff that made us laugh so hard. Anyway, after our first meeting, I did not really feel something special but there was this feeling that bothered me. I chose to ignore it.

It was a Sunday when she first called. I remember asking her how did she got my number. Anyway, she told me that she got into an argument with one of my friends and she asked me to help her. I tried to help her, but it was no good. There came a time when we found out that we were deceived, big time by her. I really learned to hate her so much.

She also loved sending me letters. The letters usually contain topics and poems about friendship and love. I don't know what was really in her mind by sending those mushy letters. It was one fateful day, in late January last year that she confessed her secret love for me.

I admit that I was really shocked when she said that. But it confirmed my suspicions that she really felt something for me. I really felt something for her and I decided to take things a little bit further.

***

So what happened to us???

We're not together anymore. Clearly, after she joined YFC, she decided to change for the better. I was glad with the change, although a part of me is still sad. But, I can't bring back the time and who knows, maybe i'll someday find the meaning of true love. With the opposite sex.

Labels:


/sluggish Marjoured blogged at:
10/30/2006 09:07:00 PM
|

>>>

A Day to Remember. / Saturday, October 28, 2006
Hindi ako makapaniwala na ang araw na ito ay magdudulot sakin ng kakaibang sigla at panghihinayang. Ngunit tama na ang pagpapaliguy-ligoy dahil magkukwento na ako.

...

Kakagaling ko lang sa UPHDS-Molino. Sumali kasi ang school namin sa UP Angkan Talahasaan 2006. Hehe...Yun talaga ang unang beses na sumali kami doon pero, nanalo pa kami 2nd Place Overall! Eto na ang kwento:

Pumunta ako ng school ng mga 6:10 ng umaga. Nagulat ako nang tanungin ng mga guards doon kung sasama daw ba ako sa Field Trip(?). Sabi ko na pupunta kami ng Molino at dito lang kami sa school magkikita-kita. Naupo ako sa mga patong-patong na upuan at nahikab. Bangag kasi ako dahil napuyat ako sa HS Night. Pagkatapos ng ilang minuto, dumating si Ms. Joy tapos si K.
Naghintay pa kami ng ilang minuto tapos dumating na si Kaye Solomon.

Eto, nakaupo parin kami tapos hikab ako nang hikab dahil inaantok pa ako. Tapos, dumating si Shane saka si Christianne Mojica. kasabay pala nila si Ms. Aubelle. Nagpasya na kaming sumakay doon sa sasakyan papunta roon sa UPHDS. Pagkasakay namin, dumating narin sa wakas si Monique. Hinintay parin namin si Aya pero nung tinawagan namin siya, sabi nya susunod nalang siya. Kaya, umalis na rin kami.

Pagkatapos namin magdasal, nakuha ko pang magpatawa sa kanila. Epekto na rin siguro ito ng Extra Joss na ininom ko kaninang umaga. Tapos, nagreview kami ni Ms. Aubelle. Feeling ko talaga, handang-handa na kami.

Pagdating namin sa Perpetual, dumaan muna kami sa Chapel. Nagdasal kami nang husto. Talagang gusto naming manalo. Pagkatapos nun, pumunta na kami sa gym. Sa may harap kami naupo at naghintay. Mga 9 na nagsimula yung program. Talagang nabangag ako sa sobrang bored at halos makakatulog nako.

Sa wakas, magsisimula na ang laban.

Nagsimula na ang written phase ng Quiz Bee. Grabe, ang hihirap ng mga tanong. Hindi talaga lumabas ang mga pinag-aralan namin. Buti nalang, medyo alam ko yung mga sagot pero nung tinanong yung tungkol sa pangalan ng mga bata sa Narnia, pinalitan ko pa yung sagot...tama na sana! T_T

Pagbalik namin sa gym, sinabi namin na wag nang umasa na makakapasok kami sa oral phase eliminations. Habang kumakain, nirecall ko yung mga tanong. Ayun, nagsisihan kami dun sa sagot sa Narnia. So, pagkatapos ng lunch, tinawag na yung mga nag-qualify. 9 na yung natatawag na school pero di pa kami natatawag. Asa pa kami, naisip ko.

Pero nagulat kami bigla. Tinawag kami.

Tuwang-tuwa kami lahat. High fives ang nakuha naming tatlo. Pumunta na kami sa pwesto namin at naghintay. Nagdasal kami ulit sa upuan namin. At ayan, magsisimula na!

Ok naman kami nung oral phase. Nasasagot naman namin yung mga tanong. Pero, lagi kaming mali sa Math! Kakaasar kasi sayang talaga yun. Pero, pagkatapos ng oral phase, kami na ang nangunguna! 43 points ang nakuha namin. Nakapasok din sa finals ang Cavite Institute, Imus Institute, Cavite National High School, at ang host school, UPHDS.

Ayan, may intermission number muna. Grabe, ang gagaling sumayaw ng mga UPHDS White Angels. Lalo na yung naka-pigtails. LOL. Ayun, pagbalik sa audience, hugs, kisses, and high fives ang sumalubong samin. Nakakatuwa kasi natakasan namin yung oral phase. Tapos, leading contenders pa kami kasi 7 points ang lamang namin sa Imus Institute. Ayun, briefing muna. Wag daw kabahan, pindutin agad ang buzzer pag may sagot. Yun, time na para magstart ang final round...

Sa kasamaang palad, natalo kami ng Cavite Institute para sa 1st place. Pero nakuha namin yung 2nd place dahil sa...Brokeback Mountain. Nung bumaba kami ng stage, sinalubong kami ng: hugs, kisses, at high fives ulit. Medyo nanghinayang ako sa mga sagot ko pero ayos lang yun. Ang mahalaga, nanalo kami ng 2nd place kahit first time namin.

Nanalo rin pala si Christianne sa short story writing, 3rd place. Nanalo rin si Kaye Solomon, 3rd place din sa extemporaneous speaking. Sayang, di nanalo si Shane sa essay writing at si K sa poster making pero ayos lang. Nanalo naman ang school namin, 2nd place overall sa lahat ng contests! Babasagin nga lahat ng medals at trophy namin eh!

Grabe, ang dami kong natutunan sa experience na yun. Hinding-hindi ko makakalimutan ang araw na ito. Kapag dumating ulit ang araw na ito, maalala at maaalala ko ang nangyari ngayon...

Gusto ko pasalamatan si Ms. Aubelle, Ms. Jham, Ms. Joy, Sir Romy sa pagtrain saming tatlo ni Aya at Monique. Gusto ko rin magpasalamat sa lahat ng taong nagwish samin ng Good Luck. Kung wala kayo, hindi namin mararating ang tagumpay na ito. At most especially kay God.
...

P.S. Ang saya ng HS Nyt nung Friday! Sa wakas, may nakipagsayaw na sakin! Eto na ang pinakamasayang HS Night sa buong buhay ko, kahit may Quiz bee kinabukasan.. LOL.

Nanalo ako bilang Filipino Blog of the Week. Sa lahat ng bumoto sakin, salamat nang madami. Nominated ako ulit! Boto nyo naman ako. Same mechanics as before.


Click ulit ang image para dalhin kayo sa page ni Mr. Talksmart. Hanapin ang voting box, at i-check ang myturforbust. Click vote at nakaboto ka na! Gaya nga ng sabi ko dati, hindi ko kayo pinpilit bumoto. Kung gusto nyo, i-preview nyo muna ang blog ko bago bumoto. Pero mas matutuwa ako kung iboboto nyo ako.

Salamat talaga ng marami!

Labels:


/sluggish Marjoured blogged at:
10/28/2006 06:34:00 PM
|

>>>

Tagged. Again. Again. / Thursday, October 26, 2006
Ang tagal ko nang di nakatanggap ng tag. Na-tag pala ako ni Pot. Eto yung details:

Simply list down nine weird things about one's self and tag nine others (plus 1).

Ah ok. Yun lang pala.

...

1. Obsessed ako sa Chupa Chups lollipops, lalo na yung cola flavor! Lagi ko siyang kinakain mula bahay hanggang school bus hanggang classroom, habang nagkaklase, nagtetest, nagsusulat ng short story, nagrereview sa quiz bee, and back. Pero minsan lang 'to nangyayari at pag good mood lang ako.

2. Gusto ko ang study method na...wala! Ayoko talaga ng memorization kaya ang ginagawa ko lang ay quick glancing sa mga notes at..voila! Pero ok naman ang resulta kasi pumapasa naman ako. ^_^

3. May short-term memory gap rin ako. Wag na wag nyong ipapahawak ang mga gamit nyo sakin kasi hindi pa kayo tumatalikod, eh hindi ko na alam kung saan nakalagay! Kaya nga ako maraming atraso dahil dyan eh.

4. Hindi ako nagsasawa pagdating sa kanta. Hindi rin ako mapili pagdating dun. Kahit patugtugin nyo ay iisang kanta lang, ayos lang kasi madali akong ma-LSS, kahit Gregorian Chant o Slipknot pa yan! \m/

5. Minsan ay schizoprenic ako (tama ba spelling???). Nakakagawa ako ng sariling imaginary friends. Kapag pumasok ako sa SENTI MODE (with matching white pupils at irap effect to boot at leave-me-alone syndrome) , nakakagawa ako ng imaginary friends na singdami ng crowd sa isang rock concert...

6. Risk-taker ako. Hindi ko pinapalampas ang kahit anong delikado. Naalala ko pa nga nabalian ako ng buto kasi naglambitin ako dun sa parang mataas na monkey bars tapos ang ewan ko talaga, bigla nalang akong nahulog at Crack!

7. KSP ako paminsan-minsan. Hindi na nga ako maintindihan ng mga tao kasi paiba-iba ako ng mood. Kasama na dyan ang pagiging killjoy.

8. Crush ko talaga si L! Kasi mukha siyang autistic? Joke!


Nakakarelate kasi ako sa character nya. Kahit mukha siyang autistic, matalino siyang detective. At hindi L nagsisimula ang tunay niyang pangalan. Kaya kong manood ng DEATH NOTE buong gabi kahit hindi pa ako matulog.

at...

9. May echolalia ako. Madalas kong ulitin yung huling salita na sinasabi ko, pero pabulong lang naman, Wala pa namang nakakapansin sa kakaibang phenomenon na ito kaya safe parin ako.

Tag ko sina: Lexine, Rizza, Karmi, Celena, Fiel, Chino, Justine, Tricia, Via at si... Kevin.

Labels:


/sluggish Marjoured blogged at:
10/26/2006 06:57:00 PM
|

>>>

Senti-sentihan. / Monday, October 23, 2006
Kakauwi ko lang galing school. Medyo may hangover parin ako dun sa mga pangyayari kanina. Ewan ko, parang ang sarap-sarap balikan ng mga pangyayari. Hay buhay.

Pagpasok ko ng kwarto, tinawag ako ng tito ko. "May sulat ka," sabi nya. Inabot nya sakin ang tatlong sobre. Yung unang dalawang sobre, credit card bill at insurance bills pala. Pero, nang makita ko yung huling sobre, parang napatalon ako sa gulat...

...

Sulat mula sa isang taong matagal ko nang di nasilayan. Si Debu.

Pinagmasdan ko nang maigi ang sulat. Dali-dali ko binuksan ang sobre at card pala ang laman nun. Binasa ko ang laman ng card. Happy Birthday and take care ang nakalagay dun. Napangiti ako. Wala pa rin siyang pinagbago. Pati handwriting nya, ganun pa rin.

...

Naalala ko bigla ang araw na nagkakilala kami. Ipinakilala kasi sya sakin ni Juan. Nung una ko siyang nakita, mukha naman siyang mabait, sabi ko. Nalalaman ko kasi mula sa mga tao na madalas siyang asarin dahil sa *malalaking butas nya sa ilong*. Pero kahit ganun, ok parin sya sakin. Hindi naman kasi ako tumitingin sa panlabas na anyo ng isang tao...Sa kalooban ako tumitingin. ^_^

Ayun, medyo naging close kami kahit magkaiba kami ng section (sa star section kasi siya). Masarap siyang kasama at makwento pa. Hindi ko na nga mabilang ang mga beses na halos matumba nako sa sahig sa kakatawa *LOL*. Pero, di ko maiwasan na maawa sa kanya kasi lagi nalang sya inaapi ng mga kaklase nya.

Naging magkaklase kami nung second year. Dito ko siya mas nakilala nang mabuti. Tama nga ako sa pagkakakilala ko sa kanya. Magkasama kami palagi sa pang-aasar kay Denise "200" Salazar. Sila talagang dalawa ni Denise ang mortal na magkaaway. Wala silang pinalampas na mga sandali na di nag-aaway. Medyo hirap sya sa academics nya, kaya tinutulungan ko sya kahit sa maliit na paraan lang.

Makalipas ng ilang buwan, nagpasya siyang gumawa ng isang bagong tropa...Isang tropa na namumukod-tangi sa aming section. Ang mga miyembro: Siya, ako, Betz, Ayumi, Michi at Jak. Naging isang masayang tropa, nagsasama-sama sa hirap(?) at ginhawa. Naging simbolo namin ang isang singsing. Tinawag namin ang tropa bilang CIRCLE OF FRIENDS...

Nagsimula kaming magkaroon ng mga "Bonding sessions." Una ay nung birthday nya pagkatapos ng Christmas Party sa glorietta. Siya lahat ang taya. Naalala ko nga eh nung naubos ko agad yung credits sa Timezone card ko kakalaro ng Time Crisis. Hindi ko alam na yun pala ang parang pagpahayag nya na aalis na sya.

Nalaman nalang namin isang araw na aalis na siya patungong Amerika. Nalungkot talaga kami pero ganun talaga ang buhay. May aalis, may babalik. Nung huling araw ng pasukan, talagang nagkaiyakan kaming lahat. Hindi talaga namin gusto siyang umalis.

Nagdaos siya ng isang despedida sa Island Cove. Bukod sa buong tropa, kasam rin namin si Jara, isa naming kaklase. Nagsaya kami doon kakakanta ng kung ano-ano. Naalala ko pa nga nang kinanta ni Debu ang "The Prayer"....

...

"Let us be our pray'r..."

Yun ang kantang nagpabalik sakin sa realidad. Umihip nang malakas ang hangin. Napangiti ako. Wala parin siyang pinagbago.

Labels:


/sluggish Marjoured blogged at:
10/23/2006 07:40:00 PM
|

>>>

WOW! Achievement. / Sunday, October 22, 2006
Hehe. For the first time in history, THIRD PLACE ako bilang blog of the week! Ang saya ko talaga! Kahit hindi ako nanalo ng 1st or 2nd place, ok lang yun sakin.

Sa mga bumoto sakin, maraming salamat talaga! Boto nyo ako ulit ha. Same mechanics as before:



Click ulit ang image para dalhin kayo sa page ni Mr. Talksmart. Hanapin ang voting box, at i-check ang myturforbust. Click vote at nakaboto ka na! Gaya nga ng sabi ko dati, hindi ko kayo pinpilit bumoto. Kung gusto nyo, i-preview nyo muna ang blog ko bago bumoto. Pero mas matutuwa ako kung iboboto nyo ako.

Salamat talaga ng marami!

P.S. Hindi ako makatulog dahil sa Physics homework helper ko. Sobrang sakit ng ulo ko dahil sa dami ng isosolve. Kakaasar talaga! Buti nalang, hanggang Monday nalang si Sir na magtuturo dahil mag-eearly break sya para magreview sa Masteral exams nya. Good Luck po sa inyo Sir!(may tatlo kaming HW Helpers na sasagutan ngayong sem break. Patay!)

Pwede kayong magtanong ng kahit ano sakin at sasagutin ko ito. Iwan lang ang mga tanong sa comment section o sa tagboard.Pero mas maganda kung sa comments box para hindi masyadong magulo.

Labels:


/sluggish Marjoured blogged at:
10/22/2006 12:17:00 PM
|

>>>

Bored. Haha. / Saturday, October 21, 2006
[update]: Wala kasi akong mapost na matino ngayon. Kaya gagayahin ko yung ginawa ni Kuya Icarus05 sa isa niyang post. Kapag minsan mapadaan kayo dito sa blog ko, mag-iwan kayo ng mga tanong at susubukan kong magbigay ng matinong sagot. Sa comments nlang o sa tagboard nyo iwan ang mga tanong ok? Thanks. Ang mga sagot(kung meron man) ay makikita nyo sa isa sa mga future posts ko. Salamat ng marami! >_<>
Your Depression Level: 84%

You seem to be severely depressed.
You should seek immediate attention from your physician.
Depression can be cured - you just need to take the first step.

Are You Depressed?



Your Values Profile

Loyalty:

You value loyalty a fair amount.
You're loyal to your friends... to a point.
But if they cross you, you will reconsider your loyalties.
Staying true to others is important to you, but you also stay true to yourself.

Honesty:

You value honesty a fair amount.
You're honest when you can be, but you aren't a stickler for it.
If a little white lie will make a situation more comfortable, you'll go for it.
In the end, you mostly care about "situational integrity."

Generosity:

You value generosity a fair amount.
You are all about giving, as long as there's some give and take.
Supportive and kind, you don't mind helping out a friend in need.
But you know when you've given too much. You have no problem saying "no"!

Humility:

You value humility highly.
You have the self-confidence to be happy with who you are.
And you don't need to seek praise to make yourself feel better.
You're very modest, and you're keep the drama factor low.

Tolerance:

You value tolerance highly.
Not only do you enjoy the company of those very different from you...
You do all that you can to seek it out interesting and unique friends.
You think there are many truths in life, and you're open to many of them.

The Five Factor Values Test



Your Dominant Intelligence is Linguistic Intelligence

You are excellent with words and language. You explain yourself well.
An elegant speaker, you can converse well with anyone on the fly.
You are also good at remembering information and convicing someone of your point of view.
A master of creative phrasing and unique words, you enjoy expanding your vocabulary.

You would make a fantastic poet, journalist, writer, teacher, lawyer, politician, or translator.

What Kind of Intelligence Do You Have?


Ayan. Kita naman na bored ako eh.

Labels:


/sluggish Marjoured blogged at:
10/21/2006 06:44:00 PM
|

>>>

School Family / Thursday, October 19, 2006
NOTE: Habang isinusulat ko ang post na ito, inaaksaya ko ang vacant time ko sa pakikinig na mga walang kwentang love songs sa Media Player (nasira kasi yung MP4 ko). Ngayon, binubulywan na ako ng kapatid ko kasi sobrang MUSHY daw??!! Kaya ayun, pinatay ko na tapos eto, tumutunganga sa harap ng monitor at kinikindatan ako ng cursor. Pfftt.
...
Sa aking pagugol ng maraming taon sa paaralan, hindi ko pa tinanong sa aking sarili kung may natutunan ba ako mula sa anim na taon ko sa Grade School at apat na taon sa High School. Well, marami naman syempre.


Ito ang aking pangalawang pamilya. Ang IV-Ecology. Ang tinaguriang "Cream Section" ng Fourth year. Isang malaking karangalan ang mapabilang sa section na ito. Hindi lang dahil lagi kami nananalo sa mga contest(meron pa nga, lahat ng place, nakuha namin!) kundi dahil dito ko natutunan ang maraming aral ng buhay na hindi ko matutunan sa ibang lugar.

Naging mga kaklase ko na sila nung Third Year ako, kaya hindi na nahirapang makisama. Yun nga lang, may mga nabawasan, may mga nadagdag. Pero ayos lang yun kasi madali naman silang pakisamahan.

Marami na kaming pinagdaanang mga pagsubok. Katulad ng "Trip to Jerusalem: Flip Side" na kung saan, talagang na-testing ang aming teamwork. Pero napatunayan ng larong ito na marami pa kaming dapat matutunan tungkol sa kahalagahan ng teamwork. Madalas kasi, kanya-kanya kami sa klase. Liban na lang 'pag di mo na alam ang sagot.

Dito nagkaroon ng mga madalas na asaran. Lahat na ata kami, may sari-sarili nang love triangle. Sa sobrang dami ata, nagkabuhol-buhol na at naging love web na. Ako nga eh, nagkaroon ako agad ng instant 'crush' kuno eh. Ang saya! Well, hindi pa kasama ang mga nicknames na tinatawag samin ng bawat isa. Pero normal na yun.

Hindi lingid sa kaalaman namin na maraming teacher ang ayaw samin. Kasi nga daw, bukod DAW sa matatalino kami, mga arogante DAW kami. Alam naman namin na hindi naman lahat samin ganun ang ugali eh. Kaya pala kami binibigyan ng extra assignment sa mga subjects lalo na sa Physics. T_T

Sa kabila ng pagkasuklam ko dati sa section na ito, natutunan ko silang mahalin bilang tunay kong pangalawang pamilya. Maraming salamat sa kanila at naging isa akong taong confident na humarap sa mga hamon ng buhay.

Maraming salamat sa pagbibigay sa akin ng alaalang masaya. Hinding-hindi ko kayo makakalimutan.

P.S. [update]: Voting is still on! Para iboto ako, click nyo lang yung pic.

Hanapin nyo yung voting box na katulad sa pic na ito, at piliin nyo yung myturforbust. Tapos, pindutin nyo yung VOTE button at ,VOILA! Nakaboto na kayo!

Hindi ko po kayo pinipilit na iboto ako. Pero mas masisiyahan ako kung iboboto nyo ako. Sa lahat ng bumoto sakin, maraming salamat po talaga.

Labels:


/sluggish Marjoured blogged at:
10/19/2006 08:06:00 PM
|

>>>

Misery. / Wednesday, October 18, 2006
Hindi ko alam kung bakit kakatapos ko lang mag-celebrate ng birthday ko ay bigla nalang dumami ang masakit sakin. Una sa listahan ang aking ulo. Kapag nag-iisip kasi ako nang sobra na sa kaya ng maliit kong utak, sumasakit talaga nang husto! Lalo na kapag Fhisics at Mafthemafhics. Nararamdaman ko ang pagpintig nito sa tuwing sinusubukan kong magsolve ng mga equations sa Math. Kanina lang kamo yun.

Sinubukan kong uminom ng pain relievers para mawala yung sakit. Nawala nga nang konti pero, likod ko naman ang sumakit. Hay naku. Iinom pa sana ako ulit pero baka ma-overdose nako nyan. Misery.

Ewan ko ba. Habang tinatype ko itong entry na ito, nakasandal ako sa isang unan sa may computer chair ko para maibsan kahit papaano ang sakit sa likod ko. May baso ng tubig at limang tableta ng iba't ibang pain relievers sa harapan ko. Iinumin ko daw ito 'pag hindi ko na talaga matagalan ang sakit. Ok pa naman ako so far. Misery.

Hindi pa dun nagtatapos ang aking 'sakit'. Sakit naman sa puso ang pinoproblema ko. Hindi yung literal na sakit sa puso. Hay... oo na, suko nako. Lovelife yun.

Inaamin ko, ni minsan ay hindi pa ako nakaranas ng matinong lovelife. Puro mga crushes lang. Minsan, nakaranas na rin ako ng nagmahal ako pero hindi bumalik sakin ang pagmamahal. Itinigil ko na ang aking kahibangan at gumising nako sa katotohanan. Pero, sa isang bawal na pag-ibig kong maranasan na kung papaano magmahal nang totoo at walang pag-aalinglangan. At yun ang nagbibigay ng kakaibang kirot sa puso ko.

"Misery loves company."

Labels:


/sluggish Marjoured blogged at:
10/18/2006 08:02:00 PM
|

>>>

Nominated ako! / Tuesday, October 17, 2006
Hindi ko alam kung magugulat ako.

Pero nangyari na.

NOMINATED AKOOOOOOOOOOOO!!!!!!!

Yes, mga kapwa kong bloggers. For the first time in history, I'm nominated for Filipino Blog of the Week. Hmm... Hindi ko talaga inaasahan ito. Ok lang naman sakin kung 'di ako manalo ngayon. Ang mahalaga, naranasan ko yun. Pero, kung pwede naman,iboto nyo ako (kung may chance pa!)

Salamat sa mga bumoto sakin at sana iboto nyo pa ako ulit sa mga susunod na pagkakataon. (kung meron pa.)

Labels:


/sluggish Marjoured blogged at:
10/17/2006 07:54:00 PM
|

>>>

Mafhemafhics and Fhisics / Monday, October 16, 2006
Hay. Isang nakakadismayang araw...

Kakakuha ko lang ng resulta ng Physics exam ko. Hmm, 'wag na kayong umasa. Bagsak kasi ako. Kainis, akala ko talaga, 41 ang score ko pero, anak ng tokwa! Nabawasan pa ang score ko! Kaasar talaga! Pero, ganun talaga, minsan talaga, babagsak tayo. Pero umaasa naman ako na papasa ako muli. Haha. Parang masaya pa ako sa lagay na yun.

Punta naman tayo sa Math. Muntik na talaga akong malugmok sa kahihiyan. Biro mo, 42/80 yung score ko! Hmmm... Parang 'di nalayo sa score ko nung First Quarter. 44/80. Hell. Cool. Mula ngayon, pormal kong isinusumpa ang sakit sa puso na kung tawagin ay Mafhemafhics.

^_^

Speaking of Fhisics, trip ko lang ikwento kung paano naging hulog ng langit (at todong sakit sa utak!) ang Physics. Sisimulan ko na.

Syempre, simula muna sa unang meeting. Pagpasok ni Sir sa klasrum, tayuan agad! Takot kasi kami sa kanya (mukha ba??). Pag-upo namin, talagang ipaglandakan samin na 'I mean business' . Hmmm...Napangiwi nga ako nung narinig ko yun eh. Pagkatapos nun, nagsimula na ang kabanata ko ng kalbaryo at pasakit. At malayo pa ang Mahal na Araw. T_T

At ngayon nga, bagsak nanaman ako. Flunker nanaman. Slacker ulit. Balik ulit sa dating gawi.

Labels:


/sluggish Marjoured blogged at:
10/16/2006 09:30:00 PM
|

>>>

Nilalangaw na. / Thursday, October 12, 2006
Hehe...Nakabalik na rin sa wakas! Pasensya na at ang tagal-tagal ko nang di nag-uupdate. Nagloloko kasi yung kuryente namin dahil na rin kay Milenyo. Tapos nung akala namin ayos na yung kuryente namin, ayun, pumutok! Nagmistulang fireworks display sa MoA yung kalangitan sa dami ng sparks. ^_^

Pero, balik ulit sa dating gawi.

Nagdaan ang mga araw na 'singbilis ng kidlat. Pano naman kasi, kakatapos lang ng QT exams namin last wednesday lang. Dang hirap talaga ng Math! Kakaasar kasi talagang nag-aral ako dun tapos di rin pala uubra yung pinag-aralan ko. Hindi ko nga nasagutan yung problem solving part ng exam. T_T Nahulog pa yung test na yun sa aking special *wink* day. ANG BIRTHDAY KO!!! Hay..Kakaasar talaga!

Masaya ako kasi ang daming bumati sa akin. Pati rin mga lower levels binati rin ako! ^_^ Talagang HAPPY BIRTHDAY!!! *winks* -_^
P.S. Sinabi sakin ni Sir Romy yung score ko sa Physics exam. Shucks, bagsak nanaman ako!!! 41/85, kakaasar talaga!!! T_T

Labels: ,


/sluggish Marjoured blogged at:
10/12/2006 10:09:00 AM
|

>>>