A Day to Remember. / Saturday, October 28, 2006
Hindi ako makapaniwala na ang araw na ito ay magdudulot sakin ng kakaibang sigla at panghihinayang. Ngunit tama na ang pagpapaliguy-ligoy dahil magkukwento na ako.
...
Kakagaling ko lang sa UPHDS-Molino. Sumali kasi ang school namin sa UP Angkan Talahasaan 2006. Hehe...Yun talaga ang unang beses na sumali kami doon pero, nanalo pa kami 2nd Place Overall! Eto na ang kwento:
Pumunta ako ng school ng mga 6:10 ng umaga. Nagulat ako nang tanungin ng mga guards doon kung sasama daw ba ako sa Field Trip(?). Sabi ko na pupunta kami ng Molino at dito lang kami sa school magkikita-kita. Naupo ako sa mga patong-patong na upuan at nahikab. Bangag kasi ako dahil napuyat ako sa HS Night. Pagkatapos ng ilang minuto, dumating si Ms. Joy tapos si K.
Naghintay pa kami ng ilang minuto tapos dumating na si Kaye Solomon.
Eto, nakaupo parin kami tapos hikab ako nang hikab dahil inaantok pa ako. Tapos, dumating si Shane saka si Christianne Mojica. kasabay pala nila si Ms. Aubelle. Nagpasya na kaming sumakay doon sa sasakyan papunta roon sa UPHDS. Pagkasakay namin, dumating narin sa wakas si Monique. Hinintay parin namin si Aya pero nung tinawagan namin siya, sabi nya susunod nalang siya. Kaya, umalis na rin kami.
Pagkatapos namin magdasal, nakuha ko pang magpatawa sa kanila. Epekto na rin siguro ito ng Extra Joss na ininom ko kaninang umaga. Tapos, nagreview kami ni Ms. Aubelle. Feeling ko talaga, handang-handa na kami.
Pagdating namin sa Perpetual, dumaan muna kami sa Chapel. Nagdasal kami nang husto. Talagang gusto naming manalo. Pagkatapos nun, pumunta na kami sa gym. Sa may harap kami naupo at naghintay. Mga 9 na nagsimula yung program. Talagang nabangag ako sa sobrang bored at halos makakatulog nako.
Sa wakas, magsisimula na ang laban.
Nagsimula na ang written phase ng Quiz Bee. Grabe, ang hihirap ng mga tanong. Hindi talaga lumabas ang mga pinag-aralan namin. Buti nalang, medyo alam ko yung mga sagot pero nung tinanong yung tungkol sa pangalan ng mga bata sa Narnia, pinalitan ko pa yung sagot...tama na sana! T_T
Pagbalik namin sa gym, sinabi namin na wag nang umasa na makakapasok kami sa oral phase eliminations. Habang kumakain, nirecall ko yung mga tanong. Ayun, nagsisihan kami dun sa sagot sa Narnia. So, pagkatapos ng lunch, tinawag na yung mga nag-qualify. 9 na yung natatawag na school pero di pa kami natatawag. Asa pa kami, naisip ko.
Pero nagulat kami bigla. Tinawag kami.
Tuwang-tuwa kami lahat. High fives ang nakuha naming tatlo. Pumunta na kami sa pwesto namin at naghintay. Nagdasal kami ulit sa upuan namin. At ayan, magsisimula na!
Ok naman kami nung oral phase. Nasasagot naman namin yung mga tanong. Pero, lagi kaming mali sa Math! Kakaasar kasi sayang talaga yun. Pero, pagkatapos ng oral phase, kami na ang nangunguna! 43 points ang nakuha namin. Nakapasok din sa finals ang Cavite Institute, Imus Institute, Cavite National High School, at ang host school, UPHDS.
Ayan, may intermission number muna. Grabe, ang gagaling sumayaw ng mga UPHDS White Angels. Lalo na yung naka-pigtails. LOL. Ayun, pagbalik sa audience, hugs, kisses, and high fives ang sumalubong samin. Nakakatuwa kasi natakasan namin yung oral phase. Tapos, leading contenders pa kami kasi 7 points ang lamang namin sa Imus Institute. Ayun, briefing muna. Wag daw kabahan, pindutin agad ang buzzer pag may sagot. Yun, time na para magstart ang final round...
Sa kasamaang palad, natalo kami ng Cavite Institute para sa 1st place. Pero nakuha namin yung 2nd place dahil sa...Brokeback Mountain. Nung bumaba kami ng stage, sinalubong kami ng: hugs, kisses, at high fives ulit. Medyo nanghinayang ako sa mga sagot ko pero ayos lang yun. Ang mahalaga, nanalo kami ng 2nd place kahit first time namin.
Nanalo rin pala si Christianne sa short story writing, 3rd place. Nanalo rin si Kaye Solomon, 3rd place din sa extemporaneous speaking. Sayang, di nanalo si Shane sa essay writing at si K sa poster making pero ayos lang. Nanalo naman ang school namin, 2nd place overall sa lahat ng contests! Babasagin nga lahat ng medals at trophy namin eh!
Grabe, ang dami kong natutunan sa experience na yun. Hinding-hindi ko makakalimutan ang araw na ito. Kapag dumating ulit ang araw na ito, maalala at maaalala ko ang nangyari ngayon...
Gusto ko pasalamatan si Ms. Aubelle, Ms. Jham, Ms. Joy, Sir Romy sa pagtrain saming tatlo ni Aya at Monique. Gusto ko rin magpasalamat sa lahat ng taong nagwish samin ng Good Luck. Kung wala kayo, hindi namin mararating ang tagumpay na ito. At most especially kay God.
...
P.S. Ang saya ng HS Nyt nung Friday! Sa wakas, may nakipagsayaw na sakin! Eto na ang pinakamasayang HS Night sa buong buhay ko, kahit may Quiz bee kinabukasan.. LOL.
Nanalo ako bilang Filipino Blog of the Week. Sa lahat ng bumoto sakin, salamat nang madami. Nominated ako ulit! Boto nyo naman ako. Same mechanics as before.

Click ulit ang image para dalhin kayo sa page ni Mr. Talksmart. Hanapin ang voting box, at i-check ang myturforbust. Click vote at nakaboto ka na! Gaya nga ng sabi ko dati, hindi ko kayo pinpilit bumoto. Kung gusto nyo, i-preview nyo muna ang blog ko bago bumoto. Pero mas matutuwa ako kung iboboto nyo ako.
Salamat talaga ng marami!
Labels: Archives of my Life
/sluggish Marjoured blogged at:
10/28/2006 06:34:00 PM
|
>>>