Naging mga kaklase ko na sila nung Third Year ako, kaya hindi na nahirapang makisama. Yun nga lang, may mga nabawasan, may mga nadagdag. Pero ayos lang yun kasi madali naman silang pakisamahan.
Marami na kaming pinagdaanang mga pagsubok. Katulad ng "Trip to Jerusalem: Flip Side" na kung saan, talagang na-testing ang aming teamwork. Pero napatunayan ng larong ito na marami pa kaming dapat matutunan tungkol sa kahalagahan ng teamwork. Madalas kasi, kanya-kanya kami sa klase. Liban na lang 'pag di mo na alam ang sagot.Dito nagkaroon ng mga madalas na asaran. Lahat na ata kami, may sari-sarili nang love triangle. Sa sobrang dami ata, nagkabuhol-buhol na at naging love web na. Ako nga eh, nagkaroon ako agad ng instant 'crush' kuno eh. Ang saya! Well, hindi pa kasama ang mga nicknames na tinatawag samin ng bawat isa. Pero normal na yun.
Hindi lingid sa kaalaman namin na maraming teacher ang ayaw samin. Kasi nga daw, bukod DAW sa matatalino kami, mga arogante DAW kami. Alam naman namin na hindi naman lahat samin ganun ang ugali eh. Kaya pala kami binibigyan ng extra assignment sa mga subjects lalo na sa Physics. T_TSa kabila ng pagkasuklam ko dati sa section na ito, natutunan ko silang mahalin bilang tunay kong pangalawang pamilya. Maraming salamat sa kanila at naging isa akong taong confident na humarap sa mga hamon ng buhay.
Maraming salamat sa pagbibigay sa akin ng alaalang masaya. Hinding-hindi ko kayo makakalimutan.P.S. [update]: Voting is still on! Para iboto ako, click nyo lang yung pic.
Hanapin nyo yung voting box na katulad sa pic na ito, at piliin nyo yung myturforbust. Tapos, pindutin nyo yung VOTE button at ,VOILA! Nakaboto na kayo!
Hindi ko po kayo pinipilit na iboto ako. Pero mas masisiyahan ako kung iboboto nyo ako. Sa lahat ng bumoto sakin, maraming salamat po talaga.
Labels: Archives of my Life
/sluggish Marjoured blogged at:
10/19/2006 08:06:00 PM
|